-
Josue 1:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 “Lakasan mo lang ang loob mo at magpakatatag ka, at sundin mong mabuti ang buong Kautusan na ibinigay sa iyo ng lingkod kong si Moises. Huwag kang lilihis doon,*+ para maging marunong ka sa mga gagawin mo saan ka man magpunta.+ 8 Ang aklat na ito ng Kautusan ay dapat na maging bukambibig mo,+ at dapat mo itong basahin nang pabulong* araw at gabi, para masunod mong mabuti ang lahat ng nakasulat dito;+ sa gayon ay magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo.+
-
-
Awit 119:100Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
100 Mas may kaunawaan ako kaysa sa matatandang lalaki,
Dahil sinusunod ko ang mga utos mo.
-
-
2 Timoteo 3:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Pero ikaw, patuloy mong sundin ang mga bagay na natutuhan mo at nahikayat na paniwalaan,+ dahil alam mo kung kanino mo natutuhan ang mga ito 15 at na mula pa noong sanggol ka+ ay alam mo na ang banal na mga kasulatan,+ na nagpaparunong sa iyo para maligtas ka sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Jesus.+
-