-
Marcos 5:7-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 At sumigaw siya nang malakas: “Bakit nandito ka, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Sumumpa ka sa Diyos na hindi mo ako pahihirapan.”+ 8 Sumigaw siya nang ganiyan dahil sinasabi sa kaniya ni Jesus: “Masamang espiritu, lumabas ka mula sa taong iyan.”+ 9 Tinanong siya ni Jesus: “Ano ang pangalan mo?” Sumagot ito: “Ang pangalan ko ay Hukbo, dahil marami kami.” 10 At paulit-ulit siyang nakiusap kay Jesus na huwag palayasin ang mga espiritu mula sa lupain.+
-