Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 26:36-46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 36 Pagkatapos, nagpunta si Jesus na kasama sila sa lugar na tinatawag na Getsemani,+ at sinabi niya sa mga alagad: “Umupo kayo rito at pupunta ako roon para manalangin.”+ 37 Isinama niya si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo.+ At nalungkot siya nang husto at naghirap ang kalooban niya.+ 38 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Sukdulan* ang kalungkutang nararamdaman ko. Dito lang kayo at patuloy na magbantay kasama ko.”+ 39 Matapos lumayo nang kaunti, sumubsob siya sa lupa at nanalangin:+ “Ama ko, kung maaari, alisin mo sa akin ang kopang ito.+ Pero mangyari nawa, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo.”+

      40 Bumalik siya sa mga alagad at nadatnan niya silang natutulog, kaya sinabi niya kay Pedro: “Hindi ba ninyo kayang magbantay na kasama ko kahit isang oras?+ 41 Patuloy kayong magbantay+ at manalangin+ para hindi kayo mahulog sa tukso.+ Totoo naman, gusto ng puso, pero mahina ang laman.”+ 42 Muli, sa ikalawang pagkakataon, umalis siya at nanalangin: “Ama ko, kung hindi ito maaaring alisin at kailangan ko itong inumin, mangyari nawa ang kalooban mo.”+ 43 Pagbalik niya, nadatnan niya uli silang natutulog dahil antok na antok na sila. 44 At umalis siya uli at nanalangin sa ikatlong pagkakataon, na ganoon din ang sinasabi. 45 Pagkatapos, bumalik siya sa mga alagad at sinabi sa kanila: “Sa panahong gaya nito ay natutulog kayo at nagpapahinga? Malapit na ang oras kung kailan ibibigay ang Anak ng tao sa kamay ng mga makasalanan. 46 Tumayo kayo, at umalis na tayo. Parating na ang magtatraidor sa akin.”

  • Marcos 14:32-42
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 At nagpunta sila sa lugar na tinatawag na Getsemani, at sinabi niya sa mga alagad niya: “Umupo kayo rito habang nananalangin ako.”+ 33 Isinama niya sina Pedro, Santiago, at Juan.+ At nabagabag siya nang husto at naghirap ang kalooban niya. 34 Sinabi niya sa kanila: “Sukdulan* ang kalungkutang nararamdaman ko.+ Dito lang kayo at patuloy na magbantay.”+ 35 Matapos lumayo nang kaunti, sumubsob siya sa lupa at nanalangin na kung maaari ay hindi na niya pagdaanan ang sandaling ito. 36 At sinabi niya: “Abba, Ama,+ ang lahat ng bagay ay posible sa iyo; alisin mo sa akin ang kopang ito. Pero mangyari nawa, hindi ang gusto ko, kundi ang gusto mo.”+ 37 Bumalik siya at nadatnan niya silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro: “Simon, natutulog ka? Wala ka bang lakas para magbantay kahit isang oras?+ 38 Patuloy kayong magbantay at manalangin para hindi kayo mahulog sa tukso.+ Totoo naman, gusto ng puso, pero mahina ang laman.”+ 39 At umalis siya uli at nanalangin, na ganoon din ang sinasabi.+ 40 Pagbalik niya, nadatnan niya uli silang natutulog dahil antok na antok na sila, kaya hindi nila malaman kung ano ang isasagot sa kaniya. 41 At bumalik siya sa ikatlong pagkakataon at sinabi sa kanila: “Sa panahong gaya nito ay natutulog kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras!+ Ibibigay na ang Anak ng tao sa kamay ng mga makasalanan. 42 Tumayo kayo, at umalis na tayo. Parating na ang magtatraidor sa akin.”+

  • Lucas 22:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 46 Sinabi niya: “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at patuloy na manalangin para hindi kayo mahulog sa tukso.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share