-
Mga Study Note sa 1 Corinto—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hukuman ng tao: O “tribunal ng tao.” Lit., “araw ng tao.” Dito, ang terminong Griego para sa “araw” ay tumutukoy sa isang araw na nakalaan para sa isang espesyal na bagay. Sa kasong ito, isa itong araw na itinalaga ng isang taong hukom para sa paglilitis o pagbababa ng hatol. Gaya ng makikita sa konteksto, hindi nababahala si Pablo sa paghatol ng mga tao, mga taga-Corinto man o sinumang hukom, sa isang itinakdang araw. Ang iniisip niya ay ang Araw ng Paghatol ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus na mangyayari sa hinaharap.—1Co 4:4, 5.
-