Sinaunang Pergaminong Manuskrito ng Kristiyanong Griegong Kasulatan

Sinaunang Pergaminong Manuskrito ng Kristiyanong Griegong Kasulatan

Mababasa sa pergaminong manuskritong ito ang Gaw 5:3-21. Ang pahinang ito, na tinatawag na Uncial 0189, ay dating bahagi ng codex na naglalaman ng aklat ng Gawa. Makikita sa harap nito (nasa kaliwa) ang Gaw 5:3-12, at sa likod naman (nasa kanan), ang Gaw 5:12-21. Sinasabi ng ilang iskolar na ang manuskritong ito ay mula noong katapusan ng ikalawang siglo C.E. o pasimula ng ikatlong siglo, pero may ibang nagsasabi na mula ito sa ikatlo o ikaapat na siglo C.E. May mga mas luma pa ritong piraso ng papiro, pero isa ito sa natagpuang pinakalumang pergaminong manuskrito ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Makikita ito ngayon sa Staatliche Museen sa Berlin, Germany.

bpk/Ägyptisches Museum und Papyrussammlung, SMB/Sandra Steiß

Kaugnay na (mga) Teksto