Mga Gawa ng mga Apostol—Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 13:1–14:28) mga 47-48 C.E.

Mga Gawa ng mga Apostol—Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 13:1–14:28) mga 47-48 C.E.

Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod

1. Isinugo bilang misyonero sina Bernabe at Saul mula sa Antioquia ng Sirya.—Tingnan ang Ap. B13 para sa mapang nagpapakita ng tatlong paglalakbay ni Pablo bilang misyonero (Gaw 13:1-3)

2. Naglayag sina Bernabe at Saul mula Seleucia papuntang Salamis sa Ciprus; inihayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga doon (Gaw 13:4-6)

3. Sa Pafos, unang tinawag na Pablo si Saul (Gaw 13:6, 9)

4. Naging mánanampalatayá si Sergio Paulo, ang proconsul ng Ciprus (Gaw 13:7, 12)

5. Dumating si Pablo at ang mga kasama niya sa Perga sa Pamfilia; bumalik si Juan Marcos sa Jerusalem (Gaw 13:13)

6. Nangaral sina Pablo at Bernabe sa sinagoga sa Antioquia ng Pisidia (Gaw 13:14-16)

7. Marami ang nagtipon sa Antioquia para makinig kina Pablo at Bernabe, pero pinag-usig ng mga Judio ang dalawang lalaking ito (Gaw 13:44, 45, 50)

8. Nagpahayag sina Pablo at Bernabe sa sinagoga sa Iconio; maraming Judio at Griego ang naging mánanampalatayá (Gaw 14:1)

9. Inusig ng ilang Judio sa Iconio ang mga kapatid, at nagkabaha-bahagi ang lunsod; binalak ng mga Judio na pagbabatuhin sina Pablo at Bernabe (Gaw 14:2-5)

10. Sina Pablo at Bernabe sa Listra, isang lunsod sa Licaonia; napagkamalan silang mga diyos (Gaw 14:6-11)

11. Sa Listra, pinag-usig nang husto si Pablo ng mga Judio mula sa Antioquia at Iconio; nakaligtas si Pablo sa pambabato (Gaw 14:19, 20a)

12. Inihayag nina Pablo at Bernabe ang mabuting balita sa Derbe; marami ang naging alagad (Gaw 14:20b, 21a)

13. Binisita ulit nina Pablo at Bernabe ang mga bagong-tatag na kongregasyon sa Listra, Iconio, at Antioquia para patibayin ang mga ito; nag-atas sila ng matatandang lalaki sa bawat kongregasyon (Gaw 14:21b-23)

14. Bumalik sina Pablo at Bernabe sa Perga para ihayag ang salita; pumunta sila sa Atalia (Gaw 14:24, 25)

15. Mula sa Atalia, naglayag sila papuntang Antioquia ng Sirya (Gaw 14:26, 27)

Kaugnay na (mga) Teksto