Mga Gawa ng mga Apostol—Ikalawang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 15:36–18:22) mga 49-52 C.E.

Mga Gawa ng mga Apostol—Ikalawang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 15:36–18:22) mga 49-52 C.E.

Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod

1. Naghiwalay ng landas sina Pablo at Bernabe; isinama ni Pablo si Silas, at isinama ni Bernabe si Juan (tinatawag ding Marcos) (Gaw 15:36-41)

2. Nagpunta si Pablo sa Derbe at pagkatapos ay sa Listra, kung saan isinama niya si Timoteo (Gaw 16:1-4)

3. Pinagbawalan ng banal na espiritu si Pablo na ipangaral ang salita sa lalawigan ng Asia; naglakbay si Pablo sa Frigia at sa Galacia at pagkatapos ay sa Misia (Gaw 16:6, 7)

4. Pagdating ni Pablo at ng mga kasama niya sa Troas, nakita ni Pablo sa isang pangitain ang isang lalaking taga-Macedonia na nag-iimbita sa mga kapatid na magpunta sa Macedonia (Gaw 16:8-10)

5. Naglayag si Pablo at ang mga kasama niya mula sa Troas papuntang Neapolis, at pagkatapos ay nagpunta sila sa Filipos (Gaw 16:11, 12)

6. Sa labas ng pintuang-daan ng Filipos, sa tabi ng ilog, nakipag-usap si Pablo sa mga babae; nabautismuhan si Lydia at ang sambahayan niya (Gaw 16:13-15)

7. Nabilanggo sina Pablo at Silas sa Filipos; nabautismuhan ang tagapagbilanggo at ang sambahayan niya (Gaw 16:22-24, 31-33)

8. Gusto ni Pablo na pormal na humingi ng paumanhin ang mga opisyal; sinamahan ng mga mahistrado sibil ang mga kapatid palabas ng bilangguan; binisita ni Pablo si Lydia at pinatibay ang mga bagong bautisado (Gaw 16:37-40)

9. Naglakbay sina Pablo at ang mga kasamahan niya sa Amfipolis at Apolonia at pagkatapos ay sa Tesalonica (Gaw 17:1)

10. Nangaral si Pablo sa Tesalonica; naging mánanampalatayá ang ilang Judio at maraming Griego; nagpasimuno ng gulo sa lunsod ang mga Judiong di-mánanampalatayá (Gaw 17:2-5)

11. Pagdating nina Pablo at Silas sa Berea, nangaral sila sa sinagoga doon; sinulsulan ng mga Judio mula sa Tesalonica ang mga tao (Gaw 17:10-13)

12. Naglayag si Pablo papuntang Atenas; nanatili sina Silas at Timoteo sa Berea (Gaw 17:14, 15)

13. Nagpahayag si Pablo sa Areopago, sa Atenas; may mga naging mánanampalatayá (Gaw 17:22, 32-34)

14. Nanatili nang 18 buwan si Pablo sa Corinto para ipangaral ang salita ng Diyos; may mga umusig sa kaniya, pero maraming nanampalataya at nabautismuhan (Gaw 18:1, 6, 8, 11)

15. Mula sa Cencrea, na isang daungan sa Corinto, naglayag si Pablo kasama sina Priscila at Aquila papuntang Efeso, kung saan siya nangaral sa sinagoga (Gaw 18:18, 19)

16. Naglayag si Pablo papuntang Cesarea, pero naiwan sina Priscila at Aquila sa Efeso; lumilitaw na nagpunta si Pablo sa Jerusalem at pagkatapos ay sa Antioquia ng Sirya (Gaw 18:20-22)

Kaugnay na (mga) Teksto