-
Ibinuhos Niya sa Diyos ang Laman ng Kaniyang PusoTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
15, 16. (a) Ano ang naging epekto kay Hana ng pagsasabi kay Jehova ng nilalaman ng kaniyang puso at ng pagsamba sa Diyos sa tabernakulo? (b) Paano natin matutularan si Hana kapag pinaglalabanan natin ang negatibong mga damdamin?
15 Ano ang naging epekto kay Hana ng pagsasabi kay Jehova ng nilalaman ng kaniyang puso at ng pagsamba sa Diyos sa tabernakulo? Sinasabi ng ulat: “Ang babae ay yumaon sa kaniyang lakad at kumain, at ang kaniyang mukha ay hindi na nabahala.” (1 Sam. 1:18) Ganito ang salin sa Biblia ng Sambayanang Pilipino: “Wala nang nabakas na lungkot sa kanyang mukha.” Parang nabunutan ng tinik si Hana nang ipapasan niya ang kaniyang mabigat na dalahin sa isa na mas malakas sa kaniya, ang kaniyang Ama sa langit. (Basahin ang Awit 55:22.) May problema bang napakabigat para sa Diyos? Wala—wala noon, wala ngayon, wala kailanman!
16 Kapag nabibigatan tayo o labis na nalulungkot, makabubuting tularan si Hana at sabihin ang ating niloloob sa Isa na tinatawag ng Bibliya na “Dumirinig ng panalangin.” (Awit 65:2) Kung gagawin natin iyon nang may pananampalataya, ang ating kalungkutan ay mapapalitan ng “kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan.”—Fil. 4:6, 7.
-
-
Ibinuhos Niya sa Diyos ang Laman ng Kaniyang PusoTularan ang Kanilang Pananampalataya
-
-
18 Kailan napag-isip-isip ni Penina na hindi na niya kayang yamutin si Hana? Hindi sinasabi ng Bibliya, pero ipinahihiwatig ng mga pananalitang “hindi na nabahala” na naging masaya na si Hana mula noon. Nakita ni Penina na wala nang epekto ang pang-iinis niya. Hindi na muling binanggit ng Bibliya ang kaniyang pangalan.
-