Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 1/22 p. 12
  • Ang Lupa—Isang Walang-Hanggang Mana ng Maaamo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Lupa—Isang Walang-Hanggang Mana ng Maaamo
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Maging Maamo at Pasayahin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Kaamuan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • ‘Ang Maaamo ay Magmamana ng Lupa’—Paano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Mabuting Balita Para sa mga Maamo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 1/22 p. 12

Ang Lupa​—Isang Walang-Hanggang Mana ng Maaamo

“ANG langit ay aking luklukan,” sabi ni Jehova, “at ang lupa ay aking tuntungan.” Tungkol sa kaniyang tuntungan, si Jehova ay nangangako: “Aking gagawin ang dako ng aking mga paa na maluwalhati.” (Isaias 66:1; 60:13, Rotherham) Ito ay gagawin niya para sa mga maaamo na magmamana nito. Sa ilalim ng kanilang mapagpahalagang pangangalaga, ang lupa ay magiging isang dako ng malaparaisong kagandahan at isang kaluwalhatian kay Jehova na Maylikha nito.

Subalit ang iba ay maaaring mangatuwiran: ‘Mamanahin ng maaamo ang lupa? Ang maaamong tao ay mahihinang tao! Paano sila magiging malakas upang mamahala sa lupa?’ Ang salitang “maamo” sa Kasulatan ay tumutukoy sa mga taong magiliw, mabait, mahinahon subalit may lakas na parang bakal. Ito ang salitang ginagamit sa mabangis na hayop na napaamo subalit malakas pa rin.

Binibigyan-kahulugan ng diksiyunaryo ni Vine ng mga salitang Griego ang maamo na: “Isang hinubog na biyaya ng kaluluwa; at ang mga pagsasagawa nito ay una at pangunahing patungkol sa Diyos. Ito ang hinahon ng espiritu na tinatanggap natin ang Kaniyang mga pakikitungo sa atin na mabuti, at nang walang pagtatalo o panlalaban.” Ang maaamo ay hindi nagdaragdag, nagbabawas, nagbabanto, o nagpipilipit sa Salita ng Diyos​—gaya ng ginagawa ng ilan ngayon upang pagbigyan ang kanilang mga imoralidad.​—Deuteronomio 4:2; 2 Pedro 3:16; Apocalipsis 22:18, 19.

“Si Moises ay totoong maamong-loob na higit kaysa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa.” (Bilang 12:3) Subalit siya ba ay mahina? Siya ay humarap sa makapangyarihang Faraon ng Ehipto at hiniling na palayain niya ang napaaliping mga Hebreo. Si Faraon ay matatag sa kaniyang pasiya, ang sagot niya ay hindi! Subalit si Moises, hindi natatakot, ay patuloy na nagbabalik, ipinahahayag ang mga salot na darating sa mga Ehipsiyo. (Exodo, mga kabanatang 7–11) Maamo, oo; subalit mahina? Hindi!

Si Kristo Jesus ay maamo, subalit buong tapang na hinarap niya ang relihiyosong mga panatiko noong kaarawan niya, nalalaman pa nga niya na kanilang pahihirapan at papatayin siya. “Narito tayo,” sabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, ay siya’y kanilang hahatulang patayin at ibibigay siya sa mga Gentil, at siya’y kanilang pagtatawanan at luluraan at siya’y hahampasin at siya’y papatayin.” (Marcos 10:33, 34) Lahat ng ito ay ginawa nila sa kaniya, subalit siya ay hindi nag-urung-sulong sa kaniyang katapatan sa Diyos. Maamo, oo; ngunit mahina? Hindi!

Kaya sa maaamo ayon sa Kasulatan ibibigay ng Diyos na Jehova ang lupa. At kabaligtaran ng mga teoriya ng mga siyentipiko at ng mga turo ng huwad na relihiyon, ang lupa ay mananatili “hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.” (Awit 104:5) “Hindi ito nilikha [ni Jehova] para sa walang kabuluhan.” Kaniyang “inanyuan ito upang tahanan.” (Isaias 45:18) At anong pagkaganda-ganda nga ng buhay sa panahong iyon! “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng hirap pa man. Ang mga dating bagay ay naparam na.”​—Apocalipsis 21:4.

Sa panahong iyo’y mawawala na ang mga nagpaparumi sa lupa! Pagkatapos, “ang maaamo ang siya mismong magmamay-ari ng lupa, at tunay na kanilang masusumpungan ang katangi-tanging kasiyahan sa kasaganaan ng kapayapaan.” (Kawikaan 2:21, 22; Awit 37:11) Ikaw man ay maaaring magtamasa ng walang-hanggang buhay sa lupang Paraisong iyon kung ikaw ay may sapat na lakas upang maging kuwalipikado bilang isa sa mga maamo ayon sa Kasulatan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share