Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 5/1 p. 8-9
  • Pagpapatahimik sa Isang Kakila-kilabot na Bagyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapatahimik sa Isang Kakila-kilabot na Bagyo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpapatahimik sa Isang Kakila-kilabot na Bagyo
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Pinatigil ni Jesus ang Isang Bagyo
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaya Tayong Ingatan ni Jesus
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Naglakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 5/1 p. 8-9

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Pagpapatahimik sa Isang Kakila-kilabot na Bagyo

ANG maghapon ni Jesus ay lipos ng gawain, kasali na ang pagtuturo sa karamihan na nasa tabing-dagat at pagkatapos ay pagpapaliwanag nang sarilinan sa kaniyang mga alagad may kinalaman sa mga ilustrasyon. Nang sumapit ang gabi, sinabi niya: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.”

Naroon sa silangang baybayin ng Dagat ng Galilea ang rehiyon na tinatawag na ang Decapolis, buhat sa Griegong deʹka, na ang ibig sabihin ay “sampu,” at poʹlis, nangangahulugang “siyudad.” Ang mga siyudad ng Decapolis ay isang sentro ng kulturang Griego, bagama’t marahil ang mga ito ay tahanan din ng maraming Judio. Datapuwat, ang gawain ni Jesus sa lugar na iyan ay totoong limitado. Kahit na sa kaniyang pagdalaw na ito gaya ng makikita natin sa bandang huli, siya ay napigil ng pamamalagi roon nang matagal.

Nang hilingin ni Jesus na sila’y umalis upang tumungo sa kabilang ibayo, siya’y dinala ng mga alagad doon sa bangka. Gayunman, napansin din ang kanilang pag-alis. Hindi nagtagal at ang mga iba’y sumakay sa kani-kanilang mga bangka upang sumama sa kanila. Hindi naman napakalayo ang ibayo. Sa katunayan, ang Dagat ng Galilea ay isa lamang malaking look na mga 13 milya (21 km) ang haba at sa pinakamalaki ay 7 1/2 milya (12 km) ang luwang.

Mauunawaan kung bakit napapagod si Jesus. Kaya, pagkatapos na sila’y gumaod na palayo, siya’y humiga na sa bandang likod ng bangka, inihimlay ang kaniyang ulo sa isang unan, at nakatulog nang mahimbing. Marami sa mga apostol ang may karanasang mga magdaragat, palibhasa’y matagal ding nangisda sila sa Dagat ng Galilea. Kaya’t sila ang nangasiwa sa paglalayag ng bangka.

Subalit hindi ito isang madaling biyahe. Dahilan sa mas mainit na temperatura ng tubig sa gawing ibabaw ng look, na mga 700 piye (210 m) ang baba sa patag ng dagat, at sa mas malamig na hangin sa karatig na mga bundok, malalakas na hangin ang paminsan-minsan ay umiihip paibaba at lumikha ng biglaang malalakas na bagyo sa look. Ito na nga ang nangyari ngayon. Hindi nagtagal at ang bangka ay sinasalpok ng mga alon at hinahambalos ng tumitilamsik na tubig, kung kaya’t halos mapunô ng tubig at lumubog. Gayunman, si Jesus ay patuloy pa ring natutulog!

Ang may karanasang mga magdaragat ay buong pagkabalisang nagsikap na ugitan ang bangka. Tiyak na sila noong una’y nakaraos din sa ganoong mga bagyo. Ngunit sa pagkakataong ito ginawa na nila ang lahat ng kanilang magagawa. Sa pangamba na nanganganib ang kanilang buhay, ginising nila si Jesus. ‘Panginoon, bale wala ba ito sa iyo? Tayo’y lulubog na!’ ang bulalas nila. ‘Iligtas mo kami, kaming malulunod!’

Nang siya’y magising na, iniutos ni Jesus sa hangin at sa dagat: ‘Tumahimik kayo!’ At ang nagngangalit na hangin ay huminto at ang dagat ay naging kalmado. Siya’y bumaling sa kaniyang mga alagad at nagtanong: ‘Bakit kayo takot na takot? Wala pa ba kayong anumang pananampalataya?’

Sa sinabing iyan, ang mga alagad ay pinangibabawan ng pambihirang takot. ‘Sino nga bang talaga ang taong ito?’ ang tanong nila sa isa’t isa. ‘Sapagkat siya’y nag-uutos kahit na sa hangin at sa tubig, at ang mga ito’y tumatalima sa kaniya.’

Anong laking kapangyarihan ang ipinakikita ni Jesus! Anong laking kasiguruhan ang malaman na ang ating Hari ay may kapangyarihan sa kalikasan at pagka siya’y lubusang nagbigay-pansin sa lupang ito natin sa panahon na paghahari ng kaniyang Kaharian, lahat ay tatahan sa katiwasayan buhat sa kakila-kilabot na mga kalamidad sa kalikasan!

Nang matapos na ang bagyo, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay ligtas na sumapit sa silangang pampang. Marahil yaong mga ibang bangka ay nakaligtas sa kabagsikan ng bagyo at nakauwi rin pagkatapos. Marcos 4:35–5:2; Mateo 8:18, 23-28; Lucas 8:22-27.

◆ Ano ba ang Decapolis, at nasaan ito?

◆ Ano ang dahilan at may malalakas na bagyo sa Dagat ng Galilea?

◆ Nang hindi sila mailigtas ng kanilang kahusayan bilang mga magdaragat, ano ang ginawa ng mga alagad?

[Buong-pahinang larawan sa pahina 8]

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share