Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 7/1 p. 32
  • Ang Panahon Upang Hanapin ang Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Panahon Upang Hanapin ang Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 7/1 p. 32

Ang Panahon Upang Hanapin ang Diyos

ANG larawan sa pahinang ito ay ang Acropolis sa Atenas, dating isang sentro ng pagsamba sa maraming diyos at mga diyosa. Sa ibaba ng Acropolis ay ang Areopago, na sinasabing tinatayuan ng isang hukuman ng hustisya ng sinaunang panahon. Sa lugar na ito, halos 2,000 taon na ang lumipas, tumayo si apostol Pablo at bumigkas ng isang tunay na kahanga-hangang pahayag. Ang sumusunod ang ilan sa mga bagay na kaniyang sinabi:

“Ginawa [ng Diyos] buhat sa isang tao ang bawat bansa ng mga tao, upang tumahan sa balat ng buong lupa, at itinakda niya ang kani-kaniyang panahon at ang kani-kaniyang hangganan ng tahanan ng tao, upang hanapin nila ang Diyos, baka sa kanilang pag-aapuhap ay tunay ngang matagpuan siya, bagaman, ang totoo, siya’y hindi malayo sa bawat isa sa atin. Sapagkat sa kaniya tayo’y nabubuhay at kumikilos at umiiral.”​—Gawa 17:26-28.

Anong laki ng ipagkakaiba ng kasaysayan kung pinakinggan ng sangkatauhan sa pangkalahatan ang mga salita ni apostol Pablo! Ilang mga digmaan, ilang mga pagdurusa, ang sana ay naiwasan kung kinilala ng mga tao ang kanilang iisang kapakanan bilang mga supling ng isang taong nilikha ng Soberanong Panginoon, si Jehova.

Sa ngayon, ang sangkatauhan ay watak-watak dahil sa nasyonalismo, sa pagkakaiba-iba, pagkakapootan ng iba’t ibang lahi, at pagkakaiba-ibang antas sa lipunan. Gayunman, ang mga salita ni Pablo ay kumakapit pa rin. Lahat tayo ay mga inapo ng isang taong iyan na nilalang ng Diyos. Lahat tayo, sa diwang iyan, ay magkakapatid. At hindi pa rin huli na hanapin ang Diyos habang siya’y masusumpungan pa.

Ang mga salita ni Pablo ay lalong higit na dapat pag-isipan pagka ating isinaalang-alang ang mga huling salita ng kaniyang pahayag. Sinabi niya: “[Ang Diyos] ay nagtakda ng isang araw na kaniyang nilalayong ipaghukom sa tinatahanang lupa sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaking kaniyang hinirang, at siya’y nagbigay ng katiyakan sa lahat ng tao nang kaniyang buhaying-muli ito buhat sa mga patay.”

Ang pagkabuhay-muli ni Jesus ay isang pangyayari sa kasaysayan, at gaya ng ipinakikita ni Pablo, iyon ay isang katiyakan na magkakaroon ng isang araw ng paghuhukom para sa sangkatauhan. Kailan? Bueno, alam natin na halos 2,000 taon na ang lumipas nang tumindig si Pablo sa Areopago at binigkas ang mga salitang ito. Oo, ang katuparan ng hula sa Bibliya ay nagpapakita na yaon ay napakalapit na. Isang bagay nga na dapat pag-isipang mabuti! Apurahang hanapin natin ang Diyos nang buong kataimtiman, yamang, gaya ng sinabi ni Pablo sa mga taga-Atenas, “ngayon ay sinasabihan niya ang sangkatauhan na magsisi silang lahat sa lahat ng dako”!​—Gawa 17:30, 31.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share