-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Disyembre
-
-
Sa anong diwa “inagaw . . . tungo sa ikatlong langit” at “patungo sa paraiso” si apostol Pablo?—2 Cor. 12:2-4.
Sa 2 Corinto 12:2, 3, tinukoy ni Pablo ang isang tao na “inagaw . . . tungo sa ikatlong langit.” Sino kaya iyon? Nang sumulat siya sa kongregasyon sa Corinto, idiniin ni Pablo na ginagamit siya ng Diyos bilang isang apostol. (2 Cor. 11:5, 23) Pagkatapos, may binanggit siyang mga “pangitain at mga pagsisiwalat ng Panginoon.” Sa kontekstong iyan, wala naman siyang binanggit na ibang kapatid. Kaya makatuwirang isipin na siya mismo ang tinutukoy niya bilang ang taong tumanggap ng mga pangitain at pagsisiwalat.—2 Cor. 12:1, 5.
Kaya si Pablo ang taong ‘inagaw tungo sa ikatlong langit’ at ‘inagaw patungo sa paraiso.’ (2 Cor. 12:2-4) Ginamit niya ang salitang “pagsisiwalat,” na nagpapahiwatig na may ipinaalám sa kaniya na mangyayari sa hinaharap.
Ano ang “ikatlong langit” na nakita ni Pablo?
Sa Bibliya, ang “langit” ay maaaring tumukoy sa pisikal na langit. (Gen. 11:4; 27:28; Mat. 6:26) Pero ginagamit din ang “langit” sa iba pang diwa. Kung minsan, tumutukoy ito sa pamamahala ng tao. (Dan. 4:20-22) Maaari din itong tumukoy sa pamamahala ng Diyos, gaya ng Kaharian ng Diyos.—Apoc. 21:1.
Nakita ni Pablo ang “ikatlong langit.” Ano ang ibig sabihin nito? Kung minsan, inuulit nang tatlong beses sa Bibliya ang isang bagay para ipakita ang diin, tindi, o karagdagang puwersa. (Isa. 6:3; Ezek. 21:27; Apoc. 4:8) Lumilitaw na sa pagsasabing “ikatlong langit,” idiniriin ni Pablo ang pinakamataas na anyo ng pamamahala—ang Mesiyanikong Kaharian sa pamumuno ni Jesu-Kristo kasama ang 144,000. Gaya ng isinulat ni apostol Pedro, hinihintay natin ang “mga bagong langit” na ipinangako ng Diyos.—2 Ped. 3:13.
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Disyembre
-
-
Ang “ikatlong langit” na binanggit sa 2 Corinto 12:2 ay malamang na ang Mesiyanikong Kaharian sa pamamahala ni Jesu-Kristo at ng 144,000, ang “mga bagong langit.”—2 Ped. 3:13.
Ito ang “ikatlong langit” dahil ang Kaharian ang pinakamataas na anyo ng pamamahala.
-