Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Bibliya ba ay Salita ng Diyos?
    Ang Bantayan—2010 | Marso 1
    • “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdidisiplina sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.”​—2 TIMOTEO 3:16, 17.

      NAPAKAGANDA ngang pananalita iyan ni apostol Pablo tungkol sa kahalagahan ng Bibliya! Ang tinutukoy niya ay ang bahagi lamang ng Bibliya na mababasa noong panahon niya​—ang bahagi ng Bibliya na tinatawag ng marami na Lumang Tipan. Pero ang totoo, tumutukoy rin ito sa lahat ng 66 na aklat ng Bibliya, kasama na ang isinulat ng tapat na mga alagad ni Jesus noong unang siglo C.E.

      Mataas din ba ang pagpapahalaga mo sa Bibliya gaya ni Pablo? Iniisip mo ba na talagang kinasihan ng Diyos ang mga manunulat ng Bibliya? Ganiyan ang pananaw ng mga Kristiyano noong unang siglo. Hindi iyan nagbago sa paglipas ng daan-daang taon. Halimbawa, itinuring ng klerigong Ingles noong ika-14 na siglo na si John Wycliffe ang Bibliya bilang “ang maaasahang saligan ng katotohanan.” Tungkol sa pananalita ni Pablo na sinipi sa itaas, ganito ang sinabi ng The New Bible Dictionary: “Ang pagkasi [ng Diyos], kung gayon, ay gumagarantiya sa pagiging totoo ng lahat ng sinasabi ng Bibliya.”

  • Talagang Kinasihang Salita ng Diyos ang Bibliya
    Ang Bantayan—2010 | Marso 1
    • ANO nga ba ang ibig sabihin ni apostol Pablo nang sabihin niyang “kinasihan ng Diyos” ang Bibliya? (2 Timoteo 3:16) Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay literal na nangangahulugang “hiningahan ng Diyos.” Samakatuwid, sinasabi ni Pablo na ginamit ng Diyos ang banal na espiritu upang patnubayan ang mga manunulat ng Bibliya na isulat lamang ang gusto Niyang ipasulat sa kanila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share