2 Samuel
22 At sinalita ni David kay Jehova ang mga salita ng awit+ na ito nang araw na iligtas siya ni Jehova mula sa palad ng lahat ng kaniyang mga kaaway+ at mula sa palad ni Saul;+ 2 at sinabi niya:
“Si Jehova ang aking malaking bato+ at aking moog+ at ang Tagapaglaan ko ng pagtakas.+
3 Ang aking Diyos ang aking bato.+ Manganganlong ako sa kaniya,
Ang aking kalasag+ at aking sungay+ ng kaligtasan, ang aking matibay na kaitaasan,+
At aking dakong matatakasan,+ aking Tagapagligtas;+ mula sa karahasan ay inililigtas mo ako.+
4 Sa Isa na dapat purihin,+ kay Jehova, ay tatawag ako,
At mula sa aking mga kaaway ay ililigtas ako.+
5 Sapagkat kinulong ako ng nakamamatay at dumadaluyong na mga alon;+
May mga dumaragsang baha ng walang-kabuluhang mga tao na laging sumisindak sa akin.+
6 Ang mga lubid mismo ng Sheol ay pumulupot sa akin;+
Ang mga silo ng kamatayan ay sumalubong sa akin.+
7 Sa aking kabagabagan ay patuloy akong tumatawag kay Jehova,+
At sa aking Diyos ay patuloy akong tumatawag.+
At mula sa kaniyang templo ay dininig niya ang aking tinig,+
Lakip na ang aking paghingi ng tulong sa kaniyang pandinig.+
8 At ang lupa ay nagsimulang yumanig at umuga nang paurong-sulong;+
Ang mga pundasyon ng langit ay naligalig,+
At ang mga iyon ay patuloy na yumanig nang paurong-sulong sapagkat siya ay ginalit.+
9 Pumailanlang ang usok mula sa mga butas ng kaniyang ilong, at ang apoy mula sa kaniyang bibig ay patuloy na nanlamon;+
Ang mga baga ay lumagablab mula sa kaniya.+
10 At iniyukod niya ang langit at bumaba siya;+
At ang makapal na karimlan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.+
11 At dumating siyang nakasakay sa isang kerubin+ at dumating na lumilipad;
At siya ay nakikita na nasa mga pakpak ng isang espiritu.+
12 Pagkatapos ay naglagay siya ng kadiliman sa palibot niya bilang mga kubol,+
Madidilim na tubig, makakapal na ulap.+
13 Mula sa kaningningan sa harap niya ay lumagablab ang nagniningas na mga baga ng apoy.+
14 Mula sa langit ay nagsimulang magpakulog si Jehova,+
At ang Kataas-taasan mismo ay nagsimulang magbulalas ng kaniyang tinig.+
15 At patuloy siyang nagpahilagpos ng mga palaso, upang maipangalat niya sila;+
Ng kidlat, upang malito niya sila.+
16 At ang mga pinakasahig ng dagat ay lumitaw,+
Ang mga pundasyon ng mabungang lupain+ ay nalantad,
Dahilan sa pagsaway ni Jehova, dahil sa bugso ng hininga ng mga butas ng kaniyang ilong.+
18 Iniligtas niya ako mula sa aking malakas na kaaway,+
Mula sa mga napopoot sa akin; sapagkat mas malakas sila kaysa sa akin.+
20 At inilabas niya ako tungo sa isang maluwang na dako;+
Iniligtas niya ako, sapagkat nalugod siya sa akin.+
21 Ginagantimpalaan ako ni Jehova ayon sa aking katuwiran;+
Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay ginagantihan niya ako.+
22 Sapagkat iningatan ko ang mga daan ni Jehova,+
At hindi ako humiwalay nang may kabalakyutan mula sa aking Diyos.+
23 Sapagkat ang lahat ng kaniyang mga hudisyal na pasiya+ ay nasa harap ko;
At kung tungkol sa kaniyang mga batas, hindi ako lilihis sa mga iyon.+
24 At ako ay magiging walang pagkukulang+ sa kaniya,
At pag-iingatan ko ang aking sarili mula sa kamalian.+
25 At gantihan nawa ako ni Jehova ayon sa aking katuwiran,+
Ayon sa aking kalinisan sa harap ng kaniyang mga mata.+
26 Sa matapat ay kikilos ka nang may pagkamatapat;+
Sa walang-pagkukulang at makapangyarihan ay makikitungo ka nang walang pagkukulang;+
27 Sa isang nananatiling malinis ay magpapakilala kang malinis,+
At sa liko ay gagawi kang kakatwa.+
28 At ang mapagpakumbabang bayan ay ililigtas mo;+
Ngunit ang iyong mga mata ay laban sa mga palalo, upang maibaba mo sila.+
30 Sapagkat sa pamamagitan mo ay madadaluhong ko ang pangkat ng mandarambong;+
Sa pamamagitan ng aking Diyos ay makaaakyat ako sa pader.+
31 Kung tungkol sa tunay na Diyos, sakdal ang kaniyang daan;+
Ang pananalita ni Jehova ay dalisay.+
Isa siyang kalasag sa lahat ng nanganganlong sa kaniya.+
33 Ang tunay na Diyos ang aking matibay na tanggulan,+
At pangyayarihin niyang maging sakdal ang aking daan,+
34 Na ginagawang gaya ng sa mga babaing usa ang aking mga paa;+
At sa mga dakong mataas para sa akin ay pinananatili niya akong nakatayo.+
35 Tinuturuan niya ang aking mga kamay upang makipagdigma;+
At ang aking mga bisig ay naghutok ng busog na tanso.+
36 At ibibigay mo sa akin ang iyong kalasag ng kaligtasan,+
At pinadadakila ako ng iyong kapakumbabaan.+
37 Maglalaan ka ng sapat na dako para sa aking mga hakbang sa paanan ko;+
At ang aking mga bukung-bukong ay tiyak na hindi susuray.+
38 Tutugisin ko ang aking mga kaaway, upang mapuksa ko sila,
At hindi ako babalik hanggang sa malipol sila.+
39 At lilipulin ko sila at pagdudurug-durugin+ sila, upang hindi sila makabangon;+
At mabubuwal sila sa ilalim ng aking mga paa.+
40 At bibigkisan mo ako ng kalakasan para sa pagbabaka;+
Ilulugmok mo sa ilalim ko yaong mga tumitindig laban sa akin.+
41 At kung tungkol sa aking mga kaaway, tiyak na ibibigay mo sa akin ang kanilang batok;+
Yaong mga napopoot sa akin nang masidhi—patatahimikin ko rin sila.+
42 Humihingi sila ng tulong, ngunit walang tagapagligtas;+
Kay Jehova, ngunit hindi nga niya sila sinasagot.+
43 At didikdikin ko sila nang pino na gaya ng alabok sa lupa;
Gaya ng lusak sa mga lansangan ay dudurugin ko sila;+
Pipitpitin ko sila.
44 At paglalaanan mo ako ng pagtakas mula sa pamimintas ng aking bayan.+
Iingatan mo ako upang maging ulo ng mga bansa;+
Ang isang bayan na hindi ko kilala—maglilingkod sila sa akin.+
45 Ang mga banyaga ay susukut-sukot na lalapit sa akin;+
Ang mga tainga ay magiging masunurin na makinig sa akin.+
47 Si Jehova ay buháy;+ at pagpalain nawa ang aking Bato;+
At dakilain nawa ang Diyos na bato ng aking kaligtasan.+
48 Ang tunay na Diyos ang Tagapagbigay sa akin ng mga paghihiganti+
At ang Isa na nagbababa ng mga bayan sa ilalim ko,+
49 At ang Isa na naglalabas sa akin mula sa mga kaaway ko.+
At sa ibabaw niyaong mga tumitindig laban sa akin ay itataas mo ako;+
Mula sa taong may mararahas na gawa ay ililigtas mo ako.+