Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
Patalastas
Bagong wikang available: Mbum
  • Ngayon

Lunes, Hulyo 28

Ang kaisa ninyo ay mas dakila kaysa sa kaniya na kaisa ng sanlibutan.​—1 Juan 4:4.

Kapag natatakot ka, pag-isipan ang mga gagawin ni Jehova sa hinaharap kapag wala na si Satanas. Ipinakita sa isang pagtatanghal sa panrehiyong kombensiyon noong 2014 ang isang tatay na tinatalakay kung ano ang puwedeng maging laman ng 2 Timoteo 3:​1-5 kung hula iyon tungkol sa Paraiso: “Sa bagong sanlibutan ay darating ang pinakamasasayang panahon. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa iba, mga maibigin sa espirituwal na kayamanan, mga di-mapagmapuri sa sarili, mga mapagpakumbaba, mga pumupuri sa Diyos, mga masunurin sa mga magulang, mga mapagpasalamat, mga matapat, may masidhing pagmamahal sa kanilang pamilya, mga bukás sa kasunduan, laging nagsasalita ng mabuti ng tungkol sa iba, may pagpipigil sa sarili, mga mahinahon, mga maibigin sa kabutihan, mga mapagkakatiwalaan, mga mapagparaya, mga mababa ang pag-iisip, mga maibigin sa Diyos kaysa maibigin sa kaluguran, na inuudyukan ng tunay na makadiyos na debosyon; at manatili kang malapít sa mga taong ito.” Napag-usapan na ba ninyo bilang pamilya o kasama ng ibang kapatid kung ano ang magiging buhay natin sa bagong sanlibutan? w24.01 6 ¶13-14

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Martes, Hulyo 29

Nalulugod ako sa iyo.​—Luc. 3:22.

Sigurado tayo na natutuwa si Jehova sa bayan niya. Sinasabi sa Bibliya: “Nalulugod si Jehova sa bayan niya.” (Awit 149:4) Pero kung minsan, nasisiraan ng loob ang ilan at baka naitatanong nila, ‘Natutuwa ba talaga sa akin si Jehova?’ Naisip din iyan ng maraming tapat na lingkod ni Jehova noong panahon ng Bibliya. (1 Sam. 1:​6-10; Job 29:​2, 4; Awit 51:11) Malinaw na makikita sa Bibliya na puwedeng matuwa si Jehova sa di-perpektong mga tao. Paano? Dapat tayong manampalataya kay Jesu-Kristo at magpabautismo. (Juan 3:16) Sa ganitong paraan, ipinapakita natin sa iba na pinagsisihan na natin ang mga kasalanan natin at na nangako tayo sa Diyos na gagawin natin ang kalooban niya. (Gawa 2:38; 3:19) Napakasaya ni Jehova kapag ginagawa natin ang mga ito para maging kaibigan natin siya. Kung gagawin natin ang buong makakaya natin para matupad ang panata natin sa pag-aalay, matutuwa sa atin si Jehova at ituturing niya tayong malapít na kaibigan.​—Awit 25:14. w24.03 26 ¶1-2

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025

Miyerkules, Hulyo 30

Hindi namin kayang tumigil sa pagsasalita tungkol sa mga bagay na nakita namin at narinig.​—Gawa 4:20.

Matutularan natin ang mga alagad kung patuloy tayong mangangaral kahit pagbawalan tayo ng awtoridad. Makakapagtiwala tayo na tutulungan tayo ni Jehova na maisagawa ang ministeryo natin. Kaya ipanalangin na magkaroon ka ng lakas ng loob at karunungan, at hilingin sa kaniya na tulungan kang maharap ang mga problema. Marami sa atin ang may pinagdadaanan, halimbawa, problema sa kalusugan o emosyon. Mayroon ding namatayan ng mahal sa buhay, may problema sa pamilya, pinag-uusig, o iba pa. Dumagdag pa ang pandemic at mga digmaan na lalong nagpahirap sa atin. Sabihin kay Jehova ang nararamdaman mo. Kausapin mo siya na gaya ng malapít mong kaibigan. Magtiwala kang ‘kikilos siya para sa iyo.’ (Awit 37:​3, 5) Kung matiyaga tayo sa pananalangin, ‘makakapagtiis tayo habang nagdurusa.’ (Roma 12:12) Alam ni Jehova ang pinagdadaanan ng mga lingkod niya—“dinirinig niya ang paghingi nila ng tulong.”​—Awit 145:​18, 19. w23.05 5-6 ¶12-15

Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2025
Maligayang pagdating.
Pantulong ito sa pagsasaliksik sa mga publikasyon sa iba't ibang wika na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Para makapag-download ng publikasyon, magpunta sa jw.org.
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share