Job
29 At muling sinambit ni Job ang kaniyang kasabihan at nagsabi:
2 “O kung ako sana ay nasa mga buwang lunar noong sinaunang panahon,+
Gaya noong mga araw nang binabantayan ako ng Diyos;+
3 Noong ang kaniyang lampara ay pinasisikat niya sa aking ulo,
Kapag lumalakad ako sa kadiliman sa pamamagitan ng kaniyang liwanag;+
4 Gaya ng kalagayan ko noong mga araw ng aking kalakasan,+
Noong ang matalik na kaugnayan sa Diyos ay nasa aking tolda;+
5 Noong ang Makapangyarihan-sa-lahat ay sumasaakin pa,
Noong ang aking mga tagapaglingkod ay nasa buong palibot ko!
6 Noong hinuhugasan ko ng mantikilya ang aking mga hakbang,
At ang bato ay patuloy na nagbubuhos ng mga bukal ng langis para sa akin;+
7 Noong lumalabas ako sa pintuang-daan ng bayan,+
Sa liwasan ay inihahanda ko ang aking upuan!+
8 Nakikita ako ng mga batang lalaki at nagtatago sila,
At maging ang mga matatanda na ay tumitindig, tumatayo sila.+
9 Ang mga prinsipe mismo ay nagpipigil ng mga salita,
At ang palad ay itinatakip nila sa kanilang bibig.+
10 Ang tinig ng mga lider ay nakatago,
At ang kanila mismong dila ay nakadikit sa kanilang ngalangala.+
11 Sapagkat ang tainga ay nakikinig at ipinahahayag akong maligaya,
At ang mata ay nakakakita at nagpapatotoo para sa akin.
12 Sapagkat inililigtas ko ang napipighati na humihingi ng tulong,+
At ang batang lalaking walang ama at ang sinumang walang katulong.+
13 Ang pagpapala+ mula sa isa na mamamatay na—sumasaakin iyon,
At ang puso ng babaing balo ay pinasasaya ko.+
14 Nagdamit ako ng katuwiran, at dinaramtan ako nito.+
Ang aking katarungan ay tulad ng isang damit na walang manggas—at isang turbante.
16 Ako ay naging isang tunay na ama sa mga dukha;+
At ang usapin sa batas niyaong hindi ko kilala—sinusuri ko iyon.+
17 At binabasag ko ang mga panga ng manggagawa ng kamalian,+
At mula sa kaniyang mga ngipin ay inaagaw ko ang nahuli.
18 At sinasabi ko noon, ‘Sa loob ng aking pugad ay papanaw ako,+
At ang aking mga araw ay pararamihin kong tulad ng mga butil ng buhangin.+
19 Ang aking ugat ay nakabukas para sa tubig,+
At ang hamog ay mananatili nang magdamag sa aking sanga.
20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin,
At ang aking busog sa aking kamay ay magpapahilagpos nang paulit-ulit.’
21 Sa akin ay nakikinig sila; at sila ay naghihintay,
At nananatili silang tahimik para sa aking payo.+
22 Pagkatapos ng aking salita ay hindi na sila nagsasalitang muli,
At sa kanila ay tumutulo ang aking salita.+
23 At kanilang hinihintay ako na para bang ulan,+
At ang kanilang bibig ay ibinubuka nilang mabuti para sa ulan sa tagsibol.+