Awit
Awitin ni David, upang magpaalaala.
2 Sapagkat ang iyong mga palaso ay bumaon nang malalim sa akin,+
At ang iyong kamay ay bumaba sa akin.+
3 Walang bahaging malusog sa aking laman dahil sa iyong pagtuligsa.+
Walang kapayapaan sa aking mga buto dahilan sa aking kasalanan.+
4 Sapagkat ang sarili kong mga kamalian ay dumaan sa ibabaw ng aking ulo;+
Tulad ng mabigat na pasan ay napakabigat ng mga iyon para sa akin.+
7 Sapagkat ang akin mismong mga balakang ay nalipos ng pagkapaso,
At walang bahaging malusog sa aking laman.+
9 O Jehova, nasa harap mo ang aking buong pagnanasa,
At mula sa iyo ay hindi nakubli ang aking pagbubuntunghininga.+
10 Ang aking puso ay tumibok nang mabilis, nilisan ako ng aking kalakasan,
At ang liwanag din ng aking mga mata ay wala sa akin.+
11 Kung tungkol sa mga umiibig sa akin at sa aking mga kasamahan, nakatayo silang malayo sa aking salot,+
At ang aking malalapit na kakilala ay nakatayo sa malayo.+
12 Ngunit yaong mga naghahanap sa aking kaluluwa ay naglalatag ng mga bitag,+
At yaong mga gumagawa ng ikapapahamak ko ay nagsasalita ng mga kapighatian,+
At mga panlilinlang ang lagi nilang ibinubulung-bulong buong araw.+
13 Kung tungkol sa akin, tulad ng isang bingi, hindi ako nakikinig;+
At tulad ng isang pipi, hindi ko ibinubuka ang aking bibig.+
14 At ako ay naging tulad ng isang taong hindi makarinig,
At sa aking bibig ay walang mga pangangatuwiran.
16 Sapagkat sinabi ko: “Baka magsaya sila sa akin;+
Kapag sumuray-suray ang aking paa,+ tiyak na lubha silang magpapalalo laban sa akin.”+
18 Sapagkat inihayag ko ang tungkol sa aking kamalian;+
Nagsimula akong mabalisa dahil sa aking kasalanan.+
19 At ang mga kaaway kong buháy ay naging malakas,+
At ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan ay dumami.+