Awit
Sa tagapangasiwa ng Tahimik na Kalapati sa gitna niyaong mga nasa malayo. Ni David. Miktam. Nang hulihin siya ng mga Filisteo sa Gat.+
56 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Diyos, sapagkat sinakmal ako ng taong mortal.+
Sa pakikipagdigma buong araw, patuloy niya akong sinisiil.+
2 Sinasakmal ako ng mga kagalit ko buong araw,+
Sapagkat maraming nakikipagdigma laban sa akin nang may kapalaluan.+
3 Anumang araw na ako ay matakot, ako, sa ganang akin, ay magtitiwala sa iyo.+
4 Kaisa ng Diyos ay pupurihin ko ang kaniyang salita.+
Sa Diyos ako naglalagak ng aking tiwala; hindi ako matatakot.+
Ano ang magagawa sa akin ng laman?+
5 Buong araw nilang pinipinsala ang aking mga pansariling gawain;
Ang lahat ng kaisipan nila ay laban sa akin sa ikasasama.+
6 Dumadaluhong sila, nagkukubli sila,+
Sila, sa ganang kanila, ay nagmamasid sa akin mismong mga hakbang,+
Habang inaabangan nila ang aking kaluluwa.+
8 Ang aking pagiging takas ay iniulat mo.+
Ilagay mo ang aking mga luha sa iyong sisidlang balat.+
Hindi ba nasa iyong aklat ang mga iyon?+
9 Sa pagkakataong iyon ay tatalikod ang aking mga kaaway, sa araw na ako ay tumawag;+
Ito ay lubos kong nalalaman, na ang Diyos ay sumasaakin.+
10 Kaisa ng Diyos+ ay pupurihin ko ang kaniyang salita;
Kaisa ni Jehova ay pupurihin ko ang kaniyang salita.+
11 Sa Diyos ako naglalagak ng aking tiwala. Hindi ako matatakot.+
Ano ang magagawa sa akin ng makalupang tao?+