Isaias
16 Magpadala kayo ng isang barakong tupa sa tagapamahala ng lupain,+ mula sa Sela na nasa gawing ilang, sa bundok ng anak na babae ng Sion.+
2 At mangyayari nga na gaya ng isang may-pakpak na nilalang na tumatakas, na binugaw mula sa pugad nito,+ ang mga anak na babae ng Moab ay magkakagayon sa mga tawiran ng Arnon.+
3 “Magharap kayo ng payo, isagawa ninyo ang pasiya.+
“Ang iyong lilim ay gawin mong tulad ng gabi sa katanghaliang tapat.+ Ikubli mo ang mga pinanabog;+ huwag mong ipagkanulo ang tumatakas.+ 4 Ang aking mga pinanabog ay manirahan nawa sa iyo bilang mga dayuhan, O Moab.+ Maging dakong kublihan ka sa kanila dahil sa mananamsam.+ Sapagkat ang maniniil ay sumapit na sa kaniyang kawakasan; ang pananamsam ay nagwakas na; yaong mga yumuyurak sa iba ay nalipol na mula sa lupa.+
5 “At sa maibiging-kabaitan ay tiyak na matibay na matatatag ang isang trono;+ at ang isa ay uupo roon sa katapatan sa tolda ni David,+ na humahatol at humahanap ng katarungan at maagap sa katuwiran.”+
6 Narinig namin ang tungkol sa pagmamapuri ng Moab, na siya ay lubhang mapagmapuri;+ ang kaniyang kapalaluan at ang kaniyang pagmamapuri at ang kaniyang poot+—ang kaniyang walang-katuturang usap ay hindi magkakagayon.+ 7 Kaya ang Moab ay magpapalahaw dahil sa Moab; ang lahat nga roon ay magpapalahaw.+ Dahil sa mga kakaning pasas ng Kir-hareset+ ay hahalinghing nga ang mga sinaktan, 8 sapagkat ang mga hagdan-hagdang lupain ng Hesbon+ ay nalanta. Ang punong ubas ng Sibma+—pinulak ng mga may-ari ng mga bansa ang matingkad-pulang mga sanga nito. Hanggang sa Jazer+ ay nakaabot sila; gumala-gala sila sa ilang. Ang mga supang nito ay naiwan upang yumabong sa ganang sarili; nakarating sila sa dagat.
9 Kaya naman tatangis ako ng pagtangis ng Jazer dahil sa punong ubas ng Sibma.+ Babasain kita ng aking mga luha, O Hesbon+ at Eleale,+ sapagkat ang hiyawan sa iyong tag-araw at sa iyong pag-aani ay bumagsak na.+ 10 At ang pagsasaya at pagkakagalak ay inalis mula sa taniman; at sa mga ubasan ay walang hiyaw ng kagalakan, walang sigaw ang ipinaririnig.+ Walang alak sa mga pisaan ang niyayapakan ng manyayapak.+ Ang hiyawan ay aking pinaglaho.+
11 Kaya naman ang aking mga panloob na bahagi ay nagkakaingay na gaya ng isang alpa dahil nga sa Moab,+ at ang aking pinakaloob dahil sa Kir-hareset.+
12 At nangyari nga na nakitang ang Moab ay nanghihimagod sa ibabaw ng mataas na dako;+ at pumaroon siya sa kaniyang santuwaryo upang manalangin,+ at wala siyang anumang nagagawa.+
13 Ito ang salita na sinalita ni Jehova may kinalaman sa Moab noong una. 14 At ngayon ay nagsalita si Jehova, na sinasabi: “Sa loob ng tatlong taon, ayon sa mga taon ng upahang trabahador,+ ang kaluwalhatian+ ng Moab ay madudusta rin na may bawat uri ng malaking kaguluhan, at ang mga malalabi ay kaunting-kaunti, hindi makapangyarihan.”+