Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 24:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Kaya pinasumpa ako ng aking panginoon, na nagsasabi, ‘Huwag kang kukuha ng asawa para sa aking anak mula sa mga anak na babae ng mga Canaanita na sa kanilang lupain ay nananahanan ako.+

  • Exodo 34:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 dahil baka makipagtipan ka sa mga tumatahan sa lupain, anupat sila ay magkakaroon nga ng imoral na pakikipagtalik sa kanilang mga diyos+ at maghahain sa kanilang mga diyos,+ at tiyak na may mag-aanyaya sa iyo, at tiyak na kakain ka ng kaniyang hain.+

  • 1 Hari 11:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At si Haring Solomon ay umibig sa maraming asawang banyaga+ kasama na ang anak ni Paraon,+ mga babaing Moabita,+ Ammonita,+ Edomita,+ Sidonio+ at Hiteo,+

  • 1 Corinto 7:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Ang asawang babae ay nakatali sa buong panahon na buháy ang kaniyang asawa.+ Ngunit kapag natulog na sa kamatayan ang kaniyang asawa, siya ay malaya nang mag-asawa sa kaninumang ibig niya, tangi lamang sa Panginoon.+

  • 2 Corinto 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Huwag kayong makipamatok nang kabilan sa mga di-sumasampalataya.+ Sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran sa katampalasanan?+ O anong pakikibahagi mayroon ang liwanag sa kadiliman?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share