2 Ngunit sinabi ni Paraon: “Sino si Jehova,+ anupat susundin ko ang kaniyang tinig upang payaunin ang Israel?+ Hindi ko kilala si Jehova+ at, isa pa, hindi ko payayaunin ang Israel.”+
4 At si Paraon ay hindi makikinig sa inyo;+ at pagbubuhatan ko ng kamay ang Ehipto at ilalabas ko ang aking mga hukbo,+ ang aking bayan,+ na mga anak ni Israel,+ mula sa lupain ng Ehipto na may mga dakilang kahatulan.+
8 Sa gayon ay hinayaan ni Jehova na magmatigas ang puso ni Paraon na hari ng Ehipto,+ at hinabol niya ang mga anak ni Israel, habang ang mga anak ni Israel ay lumalabas na may nakataas na kamay.+
17 Sapagkat ang Kasulatan ay nagsasabi kay Paraon: “Sa mismong dahilang ito ay pinahintulutan kitang manatili, upang may kaugnayan sa iyo ay maipakita ko ang aking kapangyarihan, at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong lupa.”+