-
Deuteronomio 4:34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 O tinangka ba ng Diyos na yumaon upang kumuha ng isang bansa para sa kaniyang sarili mula sa gitna ng ibang bansa sa pamamagitan ng mga pagpapatunay,+ ng mga tanda+ at ng mga himala+ at ng digmaan+ at ng isang malakas na kamay+ at ng isang unat na bisig+ at ng matinding kakilabutan+ na gaya ng lahat ng ginawa ni Jehova na inyong Diyos para sa inyo sa Ehipto sa harap ng iyong mga mata?
-
-
2 Samuel 7:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 At anong iisang bansa sa lupa ang katulad ng iyong bayang Israel,+ na tinubos ng Diyos para sa kaniyang sarili bilang isang bayan+ at upang magtalaga sa kaniyang sarili ng isang pangalan+ at upang gumawa para sa kanila ng dakila at kakila-kilabot na mga bagay+—upang palayasin dahil sa iyong bayan, na tinubos mo+ para sa iyo mula sa Ehipto, ang mga bansa at ang kanilang mga diyos?
-