11 Gayunman, tinawag naman ni Paraon ang mga taong marurunong at ang mga manggagaway;+ at ginawa rin ng mga mahikong saserdote ng Ehipto ang gayunding bagay sa pamamagitan ng kanilang mga sining ng mahika.+
7 Gayunman, ang mga mahikong saserdote ay gumawa ng gayunding bagay sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na sining at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.+
20 At kung tungkol sa bawat bagay ng karunungan at pagkaunawa+ na itinanong ng hari sa kanila, nasumpungan pa rin niya na mas magaling sila nang sampung ulit kaysa sa lahat ng mga mahikong saserdote+ at mga salamangkero+ na nasa kaniyang buong kaharian.
9 At sa lunsod ay may isang lalaki na nagngangalang Simon, na bago pa nito ay nagsasagawa na ng mga sining ng mahika+ at pinamamangha ang bansa ng Samaria, na sinasabing siya ay isang taong dakila.+
8 Ngayon kung paanong sinalansang nina Janes at Jambres+ si Moises, patuloy ring sinasalansang ng mga ito ang katotohanan,+ mga taong lubusang napasamâ ang pag-iisip,+ itinakwil kung tungkol sa pananampalataya.+