4 At si Paraon ay hindi makikinig sa inyo;+ at pagbubuhatan ko ng kamay ang Ehipto at ilalabas ko ang aking mga hukbo,+ ang aking bayan,+ na mga anak ni Israel,+ mula sa lupain ng Ehipto na may mga dakilang kahatulan.+
15 Nang makita ni Paraon na nagkaroon ng kaginhawahan, ginawa niyang manhid ang kaniyang puso;+ at hindi siya nakinig sa kanila, gaya ng sinalita ni Jehova.+