16 Ngunit, ang totoo, sa dahilang ito ay pinanatili kitang buháy,+ upang maipakita sa iyo ang aking kapangyarihan at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong lupa.+
11 Ngayon ay alam kong si Jehova ay mas dakila kaysa sa lahat ng iba pang diyos+ dahilan sa bagay na ito na ikinilos nila nang may kapangahasan laban sa kanila.”
10 Sapagkat narinig namin kung paanong tinuyo ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula mula sa harap ninyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto,+ at kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amorita na nasa kabilang ibayo ng Jordan, na sina Sihon+ at Og,+ na itinalaga ninyo sa pagkapuksa.+
11 At ang dagat ay hinati+ mo sa harap nila, kung kaya nakatawid sila sa gitna ng dagat sa tuyong lupa;+ at ang mga tumutugis sa kanila ay inihagis mo sa mga kalaliman+ tulad ng isang bato+ sa malalakas na tubig.+
11 Ang palalong mga mata ng makalupang tao ay mábababâ, at ang pagmamataas ng mga tao ay yuyukod;+ at si Jehova lamang ang matatanyag sa araw na iyon.+
17 Sapagkat ang Kasulatan ay nagsasabi kay Paraon: “Sa mismong dahilang ito ay pinahintulutan kitang manatili, upang may kaugnayan sa iyo ay maipakita ko ang aking kapangyarihan, at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong lupa.”+