-
Levitico 7:34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 Sapagkat ang dibdib ng handog na ikinakaway+ at ang binti ng sagradong bahagi ay kinukuha ko mula sa mga anak ni Israel mula sa kanilang mga haing pansalu-salo, at ibibigay ko ang mga iyon kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak, bilang isang tuntunin hanggang sa panahong walang takda, mula sa mga anak ni Israel.
-
-
Levitico 10:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At kakainin ninyo ang dibdib ng handog na ikinakaway+ at ang binti ng sagradong bahagi+ sa isang dakong malinis, ikaw at ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae na kasama mo,+ sapagkat ang mga iyon ay ibinigay bilang iyong takdang bahagi at takdang bahagi ng iyong mga anak mula sa mga haing pansalu-salo ng mga anak ni Israel.
-
-
Bilang 18:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Ito ang magiging iyo mula sa mga kabanal-banalang bagay, mula sa handog na pinaraan sa apoy, lahat ng kanilang handog kasama ng lahat ng kanilang handog na mga butil+ at lahat ng kanilang handog ukol sa kasalanan+ at lahat ng kanilang handog ukol sa pagkakasala,+ na ibabalik nila sa akin. Ito ay kabanal-banalang bagay para sa iyo at para sa iyong mga anak.
-