-
1 Hari 13:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Nang magkagayon ay sumigaw siya laban sa altar sa pamamagitan ng salita ni Jehova at nagsabi: “O altar, altar, ito ang sinabi ni Jehova, ‘Narito! Isang anak na lalaki na ipinanganak sa sambahayan ni David, na ang pangalan ay Josias!+ At siya ay tiyak na maghahain sa ibabaw mo ng mga saserdote ng matataas na dako na gumagawa ng haing usok sa ibabaw mo, at mga buto ng mga tao ang susunugin niya sa ibabaw mo.’ ”+
-
-
2 Hari 23:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Nang magkagayon ay dinala niya ang lahat ng saserdote mula sa mga lunsod ng Juda, upang gawin niyang di-karapat-dapat sa pagsamba ang matataas na dako kung saan ang mga saserdote ay gumawa ng haing usok, mula sa Geba+ hanggang sa Beer-sheba;+ at ibinagsak niya ang matataas na dako ng mga pintuang-daan na nasa pasukan ng pintuang-daan ni Josue, ang pinuno ng lunsod, na nasa kaliwa kapag ang isang tao ay pumapasok sa pintuang-daan ng lunsod.
-
-
2 Cronica 34:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 At nang ikawalong taon ng kaniyang paghahari, habang siya ay bata pa,+ pinasimulan niyang hanapin+ ang Diyos ni David na kaniyang ninuno; at nang ikalabindalawang taon ay pinasimulan niyang linisin+ ang Juda at Jerusalem mula sa matataas na dako+ at mga sagradong poste+ at mga nililok na imahen+ at mga binubong estatuwa.
-
-
Isaias 27:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Kaya sa ganitong paraan ay ipagbabayad-sala ang kamalian ng Jacob,+ at ito ang buong bunga kapag inalis niya ang kaniyang kasalanan,+ kapag ang lahat ng mga bato ng altar ay ginawa niyang parang mga batong yeso na pinulbos, anupat ang mga sagradong poste+ at ang mga patungan ng insenso ay hindi na matatayo.+
-