Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 37:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Ito ang kasaysayan ni Jacob.

      Si Jose,+ nang labimpitong taóng gulang, ay nag-aalaga ng mga tupa kasama ng kaniyang mga kapatid sa gitna ng kawan,+ at, palibhasa’y bata pa, siya ay kasama ng mga anak ni Bilha+ at ng mga anak ni Zilpa,+ na mga asawa ng kaniyang ama. At nagdala si Jose sa kanilang ama ng masamang ulat tungkol sa kanila.+

  • 1 Samuel 2:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Huwag,+ mga anak ko, sapagkat hindi mabuti ang ulat na naririnig ko, na ipinalalaganap ng bayan ni Jehova.+

  • Esther 6:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Nang dakong huli ay nasumpungang nakasulat yaong iniulat+ ni Mardokeo may kinalaman kina Bigtana at Teres, dalawang opisyal ng korte+ ng hari, mga bantay-pinto, na nagtangkang pagbuhatan ng kamay si Haring Ahasuero.

  • Kawikaan 29:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Siyang kasamahan ng magnanakaw ay napopoot sa kaniyang sariling kaluluwa.+ Makarinig man siya ng panatang may kinalaman sa isang sumpa, ngunit wala siyang anumang ipinaaalam.+

  • 1 Corinto 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sapagkat may ibinunyag+ sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, yaong mga nasa sambahayan ni Cloe, na may mga di-pagkakasundo na umiiral sa gitna ninyo.

  • 1 Corinto 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ang totoo ay may nababalitang pakikiapid+ sa gitna ninyo, at ang gayong pakikiapid ay wala kahit sa gitna man ng mga bansa, na kinuha ng isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share