27 At sila ay nag-ulat sa kaniya at nagsabi: “Pumasok kami sa lupain na pinagsuguan mo sa amin, at iyon ay tunay ngang inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ at ito ang bunga niyaon.+
25 At kumuha sila ng ilang bunga ng lupain+ sa kanilang kamay at inilusong iyon sa atin, at nagbalik sila sa atin ng salita at nagsabi, ‘Ang lupain na ibinibigay sa atin ni Jehova na ating Diyos ay mabuti.’+
7 Sapagkat dinadala ka ni Jehova na iyong Diyos sa isang mabuting lupain,+ isang lupain ng mga libis na inaagusan ng tubig, mga bukal at matubig na mga kalaliman na bumubukal sa kapatagang libis+ at sa bulubunduking pook,
14 tiyak na magbibigay naman ako ng ulan para sa inyong lupain sa takdang panahon nito,+ ulan sa taglagas at ulan sa tagsibol,+ at magtitipon ka nga ng iyong butil at ng iyong matamis na alak at ng iyong langis.