Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 23:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Ang pinakamainam sa mga unang hinog na bunga ng iyong lupa ay dadalhin mo sa bahay ni Jehova na iyong Diyos.+

      “Huwag mong pakukuluan ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.+

  • Levitico 27:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 “‘Gayunma’y walang anumang uri ng nakatalagang bagay na maitatalaga kay Jehova ng isang tao ukol sa pagkapuksa+ mula sa lahat ng sa kaniya, maging mula sa tao o sa mga hayop o mula sa bukid na kaniyang pag-aari, ang maipagbibili, at walang anumang uri ng nakatalagang bagay ang tutubusin.+ Ito ay kabanal-banalang bagay kay Jehova.

  • Levitico 27:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 “‘At lahat ng ikasampung bahagi+ ng lupain, mula sa binhi ng lupain at sa bunga ng punungkahoy, ay kay Jehova. Ito ay banal kay Jehova.

  • Bilang 18:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At ito ang nauukol sa iyo: ang abuloy+ mula sa kanilang kaloob kasama ng lahat ng handog na ikinakaway+ ng mga anak ni Israel. Ibinibigay ko ang mga iyon sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki at sa iyong mga anak na babae na kasama mo,+ bilang takdang bahagi hanggang sa panahong walang takda. Lahat ng malinis sa iyong sambahayan ay makakakain niyaon.+

  • Bilang 18:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “At sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, ‘Tatanggapin ninyo mula sa mga anak ni Israel ang ikasampung bahagi na ibinibigay ko sa inyo mula sa kanila bilang inyong mana,+ at mag-aabuloy kayo mula roon bilang abuloy kay Jehova ng ikasampung bahagi ng ikasampung bahagi.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share