Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ingatan ninyo at gawin ninyo ang mga iyon, sapagkat ito ay karunungan+ sa ganang inyo at pagkaunawa+ sa ganang inyo sa paningin ng mga bayan na makaririnig ng lahat ng tuntuning ito, at tiyak na sasabihin nila, ‘Ang dakilang bansang ito ay walang alinlangang isang bayan na marunong at may unawa.’+

  • Deuteronomio 8:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At alalahanin mo si Jehova na iyong Diyos, sapagkat siya ang tagapagbigay ng kapangyarihan sa iyo upang gumawa ng yaman;+ sa layuning tuparin ang kaniyang tipan na isinumpa niya sa iyong mga ninuno, gaya ng sa araw na ito.+

  • Josue 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Magpakalakas-loob ka lamang at lubhang magpakatibay na ingatang gawin ang ayon sa buong kautusan na iniutos sa iyo+ ni Moises na aking lingkod. Huwag kang lilihis mula roon tungo sa kanan o tungo sa kaliwa,+ upang kumilos ka nang may karunungan sa lahat ng dako na paroroonan mo.+

  • 1 Hari 2:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At tuparin mo ang katungkulan kay Jehova na iyong Diyos sa pamamagitan ng paglakad sa kaniyang mga daan,+ sa pamamagitan ng pagtupad sa kaniyang mga batas, sa kaniyang mga utos at sa kaniyang mga hudisyal na pasiya+ at sa kaniyang mga patotoo, ayon sa nakasulat sa kautusan ni Moises,+ upang kumilos ka nang may kapantasan sa lahat ng bagay na iyong gawin at saan ka man bumaling;

  • Awit 103:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ngunit ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda+

      Sa mga may takot sa kaniya,+

      At ang kaniyang katuwiran hanggang sa mga anak ng mga anak,+

  • Awit 103:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sa mga nag-iingat ng kaniyang tipan+

      At sa mga umaalaala ng kaniyang mga pag-uutos upang isagawa ang mga ito.+

  • Lucas 11:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Ngunit sinabi niya: “Hindi, sa halip, Maligaya yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share