Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 32:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 at bawat isa sa inyo na nasasakbatan ay tatawid nga ng Jordan sa harap ni Jehova, hanggang sa maitaboy niya ang kaniyang mga kaaway mula sa harap niya,+

  • Bilang 32:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 ngunit ang iyong mga lingkod ay tatawid, bawat isa na nasasakbatan para sa hukbo,+ sa harap ni Jehova para sa digmaan, gaya ng sinasalita ng aking panginoon.”

  • Bilang 32:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Sa gayon ay ibinigay ni Moises sa kanila, samakatuwid ay sa mga anak ni Gad+ at sa mga anak ni Ruben+ at sa kalahati ng tribo ni Manases+ na anak ni Jose, ang kaharian ni Sihon+ na hari ng mga Amorita at ang kaharian ni Og+ na hari ng Basan, ang lupain na bahagi ng mga lunsod nito na nasa mga teritoryo niyaon, at ang mga lunsod ng lupain sa palibot.

  • Josue 1:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang inyong mga asawa, ang inyong maliliit na bata at ang inyong mga alagang hayop ay mananahanan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa panig na ito ng Jordan;+ ngunit kayong mga lalaki ay tatawid na nasa hanay ng pakikipagbaka+ sa unahan ng inyong mga kapatid, lahat ng magigiting at makapangyarihang mga lalaki,+ at tutulungan ninyo sila.

  • Josue 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Una kapag binigyan ni Jehova ng kapahingahan ang inyong mga kapatid katulad ng sa inyo at nagawa na rin nilang ariin ang lupain na ibinibigay sa kanila+ ni Jehova na inyong Diyos, babalik din naman kayo sa lupain na inyong pag-aari at aariin ninyo iyon,+ yaong ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Jehova sa panig ng Jordan sa dakong sikatan ng araw.’ ”+

  • Josue 4:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At ang mga anak ni Ruben at ang mga anak ni Gad at ang kalahati ng tribo ni Manases+ ay tumawid na nasa hanay ng pakikipagbaka+ sa paningin ng mga anak ni Israel, gaya ng ipinahayag ni Moises sa kanila.+

  • Josue 22:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Nang panahong iyon ay tinawag ni Josue ang mga Rubenita at ang mga Gadita at ang kalahati ng tribo ni Manases+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share