15 Pagkatapos nito ay tumalikod si Moises at bumaba mula sa bundok+ taglay ang dalawang tapyas ng Patotoo+ sa kaniyang kamay, mga tapyas na may sulat sa magkabilang panig ng mga ito. Sa panig na ito at sa kabila ay may sulat ang mga iyon.
28 At nanatili siya roong kasama ni Jehova nang apatnapung araw at apatnapung gabi. Hindi siya kumain ng tinapay at hindi siya uminom ng tubig.+ At isinulat niya sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang Sampung Salita.+