Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 23:40
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 40 At kukunin ninyo sa ganang inyo sa unang araw ang bunga ng magagandang punungkahoy, ang mga sanga ng mga puno ng palma+ at ang mga sanga ng mayayabong na punungkahoy at ng mga alamo sa agusang libis, at magsasaya+ kayo sa harap ni Jehova na inyong Diyos nang pitong araw.

  • Deuteronomio 12:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At magsaya kayo sa harap ni Jehova na inyong Diyos,+ kayo at ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae at ang inyong mga aliping lalaki at ang inyong mga aliping babae at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagkat wala siyang bahagi o mana na kasama ninyo.+

  • Deuteronomio 12:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kundi kakainin mo iyon sa harap ni Jehova na iyong Diyos, sa dakong pipiliin ni Jehova na iyong Diyos,+ ikaw at ang iyong anak na lalaki at ang iyong anak na babae at ang iyong aliping lalaki at ang iyong aliping babae at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; at magsaya ka+ sa harap ni Jehova na iyong Diyos sa lahat ng iyong pinagpapagalan.

  • Deuteronomio 14:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At ibibigay mo naman ang salapi kapalit ng anumang naisin ng iyong kaluluwa,+ maging mga baka at mga tupa at mga kambing at alak at nakalalangong inumin+ at anumang bagay na hingin sa iyo ng iyong kaluluwa; at kumain ka roon sa harap ni Jehova na iyong Diyos at magsaya ka,+ ikaw at ang iyong sambahayan.

  • Awit 32:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Magsaya kayo kay Jehova at magalak, kayong mga matuwid;+

      At humiyaw kayo nang may kagalakan, lahat kayong matapat ang puso.+

  • Awit 100:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Maglingkod kayo kay Jehova na may pagsasaya.+

      Lumapit kayo sa harap niya na may hiyaw ng kagalakan.+

  • Filipos 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Magsaya kayong lagi sa Panginoon.+ Minsan pa ay sasabihin ko, Magsaya kayo!+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share