18 Kaya si Abram ay nagpatuloy na manirahan sa mga tolda. Nang maglaon ay dumating siya at nanahanan sa gitna ng malalaking punungkahoy ng Mamre,+ na nasa Hebron;+ at doon ay nagtayo siya ng isang altar para kay Jehova.+
19 At pagkatapos niyaon ay inilibing ni Abraham si Sara na kaniyang asawa sa yungib sa parang ng Macpela sa tapat ng Mamre, na siyang Hebron, sa lupain ng Canaan.+
22 Nang umahon sila sa Negeb,+ sila ay dumating sa Hebron.+ At si Ahiman, si Sesai at si Talmai,+ yaong mga ipinanganak kay Anak,+ ay naroroon. At ang Hebron+ ay naitayo na nang pitong taon bago ang Zoan+ ng Ehipto.
3 Kaya si Adoni-zedek na hari ng Jerusalem+ ay nagsugo kay Hoham na hari ng Hebron+ at kay Piram na hari ng Jarmut+ at kay Japia na hari ng Lakis+ at kay Debir na hari ng Eglon,+ na sinasabi,
13 At kay Caleb+ na anak ni Jepune ay nagbigay siya ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda sa utos ni Jehova kay Josue, samakatuwid nga, ang Kiriat-arba (ang nasabing Arba ay ama ni Anak), na siyang Hebron.+
13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang kanlungang lunsod+ para sa mamamatay-tao,+ samakatuwid nga, ang Hebron,+ at ang pastulan nito, gayundin ang Libna+ at ang pastulan nito,
10 Sa gayon ay humayo ang Juda laban sa mga Canaanita na tumatahan sa Hebron+ (ang pangalan nga ng Hebron noong una ay Kiriat-arba),+ at pinabagsak nila si Sesai at si Ahiman at si Talmai.+