Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 3:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Sa gayon ay ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ni Jehova, at nilimot nila si Jehova na kanilang Diyos+ at naglingkod sila sa mga Baal+ at sa mga sagradong poste.+

  • Hukom 10:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At ang mga anak ni Israel ay muling gumawa ng masama sa paningin ni Jehova,+ at nagsimula silang maglingkod sa mga Baal+ at sa mga imahen ni Astoret+ at sa mga diyos ng Sirya+ at sa mga diyos ng Sidon+ at sa mga diyos ng Moab+ at sa mga diyos ng mga anak ni Ammon+ at sa mga diyos ng mga Filisteo.+ Sa gayon ay iniwan nila si Jehova at hindi nila siya pinaglingkuran.+

  • 1 Hari 18:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Dito ay sinabi niya: “Hindi ako nagdala ng sumpa+ sa Israel, kundi ikaw at ang sambahayan ng iyong ama,+ sapagkat iniwan ninyo ang mga utos ni Jehova,+ at sumunod ka sa mga Baal.+

  • 2 Cronica 28:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kundi lumakad siya sa mga lakad ng mga hari ng Israel,+ at gumawa siya maging ng mga binubong+ estatuwa ng mga Baal.+

  • Jeremias 2:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Paano mo masasabi, ‘Hindi ako nagpakarungis.+ Sa mga Baal ay hindi ako sumunod’?+ Tingnan mo ang iyong daan sa libis.+ Pansinin mo kung ano ang iyong ginawa. Isang matuling batang kamelyong babae na tumatakbong paroo’t parito nang walang patutunguhan sa kaniyang mga lakad;

  • Oseas 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At hihingi ako ng pagsusulit+ laban sa kaniya dahil sa mga araw ng mga imahen ni Baal+ na lagi niyang iginagawa ng haing usok,+ noong lagi niyang iginagayak sa kaniyang sarili ang kaniyang singsing at ang kaniyang palamuti+ at lagi niyang sinusundan ang kaniyang mga maalab na mangingibig,+ at ako ang nilimot niya,’+ ang sabi ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share