Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hukom 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At ang espiritu+ ni Jehova ay sumakaniya, at siya ang naging hukom ng Israel. Nang lumabas siya sa pagbabaka, ibinigay ni Jehova si Cusan-risataim na hari ng Sirya sa kaniyang kamay anupat dinaig+ ng kaniyang kamay si Cusan-risataim.

  • Hukom 11:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ang espiritu ni Jehova ngayon ay suma kay Jepte,+ at dumaan siya sa Gilead at sa Manases at dumaan siya sa Mizpe ng Gilead,+ at mula sa Mizpe ng Gilead ay nagdaan siya patungo sa mga anak ni Ammon.

  • Hukom 13:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Sa kalaunan ay pinasimulan siyang udyukan ng espiritu ni Jehova+ sa Mahane-dan+ sa pagitan ng Zora+ at Estaol.+

  • Hukom 14:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang magkagayon ay kinilos siya ng espiritu ni Jehova,+ anupat niluray niya ito, gaya ng pagluray sa isang batang kambing na lalaki, at walang anumang bagay ang nasa kaniyang kamay. At hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang ginawa niya.

  • Hukom 15:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Siya, sa ganang kaniya, ay pumaroon hanggang sa Lehi, at ang mga Filisteo, sa ganang kanila, ay sumigaw nang may pagbubunyi sa pagsalubong sa kaniya.+ At kinilos siya ng espiritu ni Jehova,+ at ang mga lubid na nasa kaniyang mga bisig ay naging gaya ng mga sinulid na lino na nasunog sa apoy,+ anupat ang mga pangaw sa kaniya ay natunaw mula sa kaniyang mga kamay.

  • Isaias 63:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At ang isa ay nagsimulang makaalaala sa mga araw noong sinaunang panahon, si Moises na kaniyang lingkod: “Nasaan ang Isa na nag-ahon sa kanila mula sa dagat+ kasama ng mga pastol ng kaniyang kawan?+ Nasaan ang Isa na naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu?+

  • Zacarias 4:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sa gayon ay sumagot siya at nagsabi sa akin: “Ito ang salita ni Jehova kay Zerubabel, na nagsasabi, ‘ “Hindi sa pamamagitan ng hukbong militar, + ni sa pamamagitan man ng kapangyarihan, + kundi sa pamamagitan ng aking espiritu,” + ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share