8 Dahil doon ay sinabi ni Juda kay Onan: “Sipingan mo ang asawa ng iyong kapatid at tuparin mo sa kaniya ang pag-aasawa bilang bayaw at magbangon ka ng supling para sa iyong kapatid.”+
6 At mangyayari nga na ang panganay na ipanganganak niya ay dapat humalili sa pangalan ng kapatid nitong namatay,+ upang ang kaniyang pangalan ay hindi mapawi sa Israel.+
20 Dahil dito ay sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang: “Pagpalain siya ni Jehova,+ na hindi nagpabaya ng kaniyang maibiging-kabaitan+ sa buháy at sa patay.”+ At sinabi pa sa kaniya ni Noemi: “Ang lalaking iyon ay kamag-anak natin.+ Siya ay isa sa ating mga manunubos.”+
5 Nang magkagayon ay sinabi ni Boaz: “Sa araw na bibilhin mo ang bukid mula sa kamay ni Noemi, bibilhin mo rin iyon mula kay Ruth na babaing Moabita, na asawa ng taong patay, upang ang pangalan ng taong patay ay maibangon sa kaniyang mana.”+