19 At maaga silang bumangon sa kinaumagahan at nagpatirapa sa harap ni Jehova, pagkatapos ay bumalik sila at umuwi sa kanilang bahay sa Rama.+ Si Elkana ngayon ay nakipagtalik+ kay Hana na kaniyang asawa, at inalaala siya ni Jehova.+
17 Ngunit ang kaniyang binabalikan ay ang Rama,+ sapagkat naroon ang kaniyang bahay, at doon siya humatol sa Israel. At nagtayo siya roon ng altar para kay Jehova.+
3 At si Samuel nga ay namatay na, at hinagulhulan siya ng buong Israel at inilibing siya sa Rama na kaniyang sariling lunsod.+ Kung tungkol kay Saul, inalis niya mula sa lupain ang mga espiritista at mga manghuhula ng mga pangyayari.+