6 At si David at ang buong Israel ay umahon sa Baala,+ sa Kiriat-jearim, na sakop ng Juda, upang dalhin nila mula roon ang kaban ng tunay na Diyos, si Jehova, na nakaupo sa mga kerubin,+ kung saan tinatawag ang kaniyang pangalan.
16Sa gayon ay ipinasok nila ang kaban ng tunay na Diyos+ at inilagay iyon sa loob ng tolda na itinayo ni David para rito;+ at sila ay nagsimulang maghandog ng mga handog na sinusunog at mga haing pansalu-salo sa harap ng tunay na Diyos.+
4 Gayunman, ang kaban+ ng tunay na Diyos ay iniahon ni David mula sa Kiriat-jearim+ patungo sa dako na inihanda ni David para rito,+ sapagkat nagtayo siya ng tolda sa Jerusalem para rito.+