6 At nakita ng mga lalaki ng Israel na sila ay nasa kagipitan,+ sapagkat ang bayan ay napipighati; at ang bayan ay nagtago sa mga yungib+ at sa mga hukay at sa malalaking bato at sa mga kuta at sa mga balon.
11 Sa gayon ay lumantad silang dalawa sa himpilan ng mga Filisteo. At sinabi ng mga Filisteo: “Narito ang mga Hebreo na lumalabas mula sa mga butas na pinagtaguan nila.”+