Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 8:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At alalahanin mo si Jehova na iyong Diyos, sapagkat siya ang tagapagbigay ng kapangyarihan sa iyo upang gumawa ng yaman;+ sa layuning tuparin ang kaniyang tipan na isinumpa niya sa iyong mga ninuno, gaya ng sa araw na ito.+

  • Deuteronomio 28:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Bubuksan sa iyo ni Jehova ang kaniyang mabuting imbakan, ang langit, upang bigyan ng ulan ang iyong lupain sa kapanahunan nito+ at upang pagpalain ang bawat gawa ng iyong kamay;+ at tiyak na magpapahiram ka sa maraming bansa, samantalang ikaw ay hindi manghihiram.+

  • 2 Cronica 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 ang karunungan at ang kaalaman ay ibinibigay sa iyo;+ gayundin ang materyal na pag-aari at ang kayamanan at ang karangalan ay ibibigay ko sa iyo anupat walang haring nauna sa iyo ang nagkaroon ng gayon,+ at walang sinumang kasunod mo ang magkakaroon ng gayon.”+

  • Job 42:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kung tungkol kay Jehova, pinagpala niya+ ang huling wakas ni Job nang higit pa kaysa sa kaniyang pasimula,+ anupat nagkaroon siya ng labing-apat na libong tupa at anim na libong kamelyo at isang libong pareha ng mga baka at isang libong asnong babae.

  • Kawikaan 10:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ang pagpapala ni Jehova—iyon ang nagpapayaman,+ at hindi niya iyon dinaragdagan ng kirot.+

  • 2 Corinto 9:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sa lahat ng bagay ay pinayayaman kayo ukol sa bawat uri ng pagkabukas-palad, na gumagawa sa pamamagitan namin ng kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share