Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 5:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At narito, iniisip kong magtayo ng isang bahay para sa pangalan ni Jehova na aking Diyos,+ gaya ng ipinangako ni Jehova kay David na aking ama, na sinasabi, ‘Ang iyong anak na siyang ilalagay ko sa iyong trono bilang kahalili mo, siya ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.’+

  • 1 Hari 6:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Kung tungkol sa bahay na ito na itinatayo mo, kung lalakad ka sa aking mga batas+ at isasagawa ang aking mga hudisyal na pasiya+ at talagang tutuparin ang lahat ng aking mga utos sa pamamagitan ng paglakad sa mga iyon,+ tiyak na tutuparin ko rin ang aking salita sa iyo na sinalita ko kay David na iyong ama;+

  • 1 Cronica 17:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Siya ang magtatayo ng isang bahay para sa akin,+ at itatatag ko nga nang matibay ang kaniyang trono hanggang sa panahong walang takda.+

  • 1 Cronica 22:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Siya ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan,+ at siya mismo ay magiging isang anak+ sa akin, at ako ay magiging isang ama+ sa kaniya. At itatatag ko nga nang matibay ang trono ng kaniyang paghahari+ sa Israel hanggang sa panahong walang takda.’

  • Zacarias 6:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At siya ang magtatayo ng templo ni Jehova, at siya, sa ganang kaniya, ang magtataglay ng dangal; + at siya ay uupo at mamamahala sa kaniyang trono, at siya ay magiging isang saserdote sa kaniyang trono, + at ang payo ng kapayapaan + ay mapapasapagitan nilang dalawa.

  • Hebreo 3:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 ngunit si Kristo ay tapat bilang isang Anak+ sa sambahayan ng Isang iyon. Tayo ang sambahayan ng Isang iyon,+ kung hihigpitan natin ang ating paghawak sa ating kalayaan sa pagsasalita at sa ating paghahambog sa pag-asa hanggang sa wakas.+

  • 1 Pedro 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 kayo rin mismo gaya ng mga batong buháy ay itinatayo bilang isang espirituwal na bahay+ sa layuning maging isang banal na pagkasaserdote, upang maghandog ng espirituwal na mga haing+ kaayaaya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share