Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Hari 9:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ang bahay na ito ay magiging mga bunton ng mga guho.+ Ang bawat magdaraan doon ay tititig sa pagkamangha+ at mapapasipol nga at magsasabi, ‘Sa anong dahilan ginawa ni Jehova ang gayon sa lupaing ito at sa bahay na ito?’+

  • 2 Cronica 36:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At sinunog niya ang bahay ng tunay na Diyos+ at giniba ang pader+ ng Jerusalem; at ang lahat ng tirahang tore nito ay sinunog nila sa apoy at gayundin ang lahat ng kanais-nais na mga kagamitan nito,+ upang wasakin.+

  • Awit 74:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Itaas mo ang iyong mga hakbang sa mga namamalaging pagkatiwangwang.+

      Ang lahat ng bagay sa dakong banal ay pinakitunguhan nang masama ng kaaway.+

  • Awit 79:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 79 O Diyos, ang mga bansa ay pumasok sa iyong mana;+

      Dinungisan nila ang iyong banal na templo;+

      Ginawa nilang bunton ng mga guho ang Jerusalem.+

  • Isaias 64:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang aming bahay ng kabanalan at kagandahan,+ na doon ay pinuri ka ng aming mga ninuno,+ ay naging bagay na susunugin sa apoy;+ at ang lahat ng aming mga kanais-nais na bagay+ ay naging kagibaan.

  • Jeremias 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 gagawin ko rin sa bahay na tinatawag sa aking pangalan,+ na pinagtitiwalaan ninyo,+ at sa dako na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno, ang gaya ng ginawa ko sa Shilo.+

  • Panaghoy 1:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang kalaban ay nag-unat ng kamay nito laban sa lahat ng kaniyang mga kanais-nais na bagay.+

      Sapagkat nakita niya ang mga bansang pumasok sa kaniyang santuwaryo,+

      Na inutusan mong huwag silang pumasok sa kongregasyon na iyong pag-aari.

  • Panaghoy 2:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Tinanggihan ni Jehova ang kaniyang altar.+ Iwinaksi niya ang kaniyang santuwaryo.+

      Sa kamay ng kaaway ay isinuko niya ang mga pader ng mga tirahang tore nito.+

      Sa bahay ni Jehova ay inilakas nila ang kanilang tinig, gaya ng sa araw ng kapistahan.+

  • Mikas 3:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Kaya dahil sa inyo ang Sion ay aararuhing gaya lamang ng isang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton lamang ng mga guho,+ at ang bundok ng bahay ay magiging gaya ng matataas na dako ng kagubatan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share