Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 20:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Sasabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Ang sinumang tao sa mga anak ni Israel, at sinumang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan sa Israel, na magbigay kay Molec+ ng sinuman sa kaniyang supling, ay papatayin nang walang pagsala. Pupukulin siya ng mga bato ng mga tao sa lupain hanggang sa mamatay.

  • Deuteronomio 18:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Huwag masusumpungan sa iyo ang sinumang nagpaparaan ng kaniyang anak na lalaki o ng kaniyang anak na babae sa apoy,+ ang sinumang nanghuhula,+ ang mahiko+ o ang sinumang naghahanap ng mga tanda+ o ang manggagaway,+

  • 2 Hari 23:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At ginawa niyang di-karapat-dapat sa pagsamba ang Topet,+ na nasa libis ng mga anak ni Hinom,+ upang walang isa man ang makapagparaan ng kaniyang anak na lalaki o ng kaniyang anak na babae sa apoy+ para kay Molec.+

  • 2 Cronica 28:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At siya ay gumawa ng haing usok+ sa libis ng anak ni Hinom+ at sinunog sa apoy ang kaniyang mga anak,+ ayon sa mga karima-rimarim+ na bagay ng mga bansang pinalayas ni Jehova mula sa harap ng mga anak ni Israel.+

  • 2 Cronica 33:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At pinaraan niya mismo sa apoy+ ang sarili niyang mga anak sa libis ng anak ni Hinom,+ at nagsagawa ng mahika+ at gumamit ng panghuhula+ at nagsagawa ng panggagaway+ at nag-atas ng mga espiritista+ at ng mga manghuhula+ ng mga pangyayari. Ginawa niya nang malawakan ang masama sa paningin ni Jehova, upang galitin siya.+

  • Awit 106:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 At inihain nila ang kanilang mga anak na lalaki+

      At ang kanilang mga anak na babae sa mga demonyo.+

  • Isaias 57:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 yaong mga nagpapaalab ng pita sa gitna ng malalaking punungkahoy,+ sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy,+ na pumapatay ng mga anak sa mga agusang libis sa ilalim ng mga awang ng malalaking bato?+

  • Jeremias 7:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet,+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.’+

  • Ezekiel 16:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “ ‘At kinuha mo ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae na ipinanganak mo sa akin,+ at inihain mo sa kanila ang mga ito upang lamunin+—hindi pa ba sapat iyan sa iyong mga pagpapatutot?

  • Ezekiel 23:37
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 37 Sapagkat nangalunya+ sila at may dugo sa kanilang mga kamay,+ at sa pamamagitan ng kanilang mga karumal-dumal na idolo ay nangalunya sila.+ At, bukod diyan, ang kanilang mga anak na ipinanganak nila sa akin ay pinaraan nila sa apoy para sa mga iyon bilang pagkain.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share