19 Huwag mong babaluktutin ang kahatulan.+ Huwag kang magtatangi+ o tatanggap ng suhol, sapagkat ang suhol ay bumubulag sa mga mata ng marurunong+ at pumipilipit sa mga salita ng mga matuwid.
23 Ang iyong mga prinsipe ay sutil at mga kasamahan ng mga magnanakaw.+ Ang bawat isa sa kanila ay maibigin sa suhol+ at humahabol sa mga kaloob.+ Para sa batang lalaking walang ama ay hindi sila naggagawad ng kahatulan; at maging ang usapin sa batas ng babaing balo ay hindi nila tinatanggap.+
3 Ang kanilang mga kamay ay nasa kasamaan, upang gawin iyon nang may kahusayan;+ ang prinsipe ay may hinihingi, at ang humahatol ay gumagawa nito dahil sa gantimpala,+ at sinasalita ng dakila ang paghahangad ng kaniyang kaluluwa, ng kaniya mismo;+ at pinaghahabi-habi nila ito.
7 Sapagkat ang isang tagapangasiwa ay dapat na malaya sa akusasyon+ bilang katiwala+ ng Diyos, hindi mapaggiit ng sarili,+ hindi magagalitin,+ hindi lasenggong basag-ulero,+ hindi nambubugbog,+ hindi sakim sa di-tapat na pakinabang,+