Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 3:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At sinabi niya: “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.”+ Nang magkagayon ay ikinubli ni Moises ang kaniyang mukha, sapagkat natatakot siyang tumingin sa tunay na Diyos.

  • Deuteronomio 32:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Sila, sa ganang kanila, ay pumukaw sa akin sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi naman diyos;+

      Niligalig nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga walang-kabuluhang idolo;+

      At ako, sa ganang akin, ay pupukaw sa kanila sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bayan;+

      Sa pamamagitan ng isang hangal na bansa ay gagalitin ko sila.+

  • 1 Hari 11:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Ang dahilan ay sapagkat iniwan nila ako+ at nagsimulang yumukod kay Astoret+ na diyosa ng mga Sidonio, kay Kemos+ na diyos ng Moab at kay Milcom+ na diyos ng mga anak ni Ammon; at hindi sila lumakad sa aking mga daan sa pamamagitan ng paggawa ng tama sa aking paningin at sa aking mga batas at sa aking mga hudisyal na pasiya tulad ni David na kaniyang ama.

  • 2 Cronica 15:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Dahil dito ay lumabas siya at humarap kay Asa at nagsabi sa kaniya: “Dinggin ninyo ako, O Asa at buong Juda at Benjamin! Si Jehova ay sumasainyo hangga’t kayo ay sumasakaniya;+ at kung hahanapin+ ninyo siya, hahayaan niyang siya ay masumpungan ninyo, ngunit kung iiwan ninyo siya ay iiwan niya kayo.+

  • Jeremias 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 ‘sapagkat dalawang masasamang bagay ang ginawa ng aking bayan: Iniwan nila ako,+ ang bukal ng tubig na buháy,+ upang humukay para sa kanilang sarili ng mga imbakang-tubig, mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig.’

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share