Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 29:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Pagkatapos ay sasabihin nila, ‘Sapagkat pinabayaan nila ang tipan+ ni Jehova na Diyos ng kanilang mga ninuno, na ipinakipagtipan niya sa kanila nang ilabas niya sila mula sa lupain ng Ehipto.+

  • 1 Cronica 28:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin+ mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod+ ka sa kaniya nang may sakdal na puso+ at may nakalulugod na kaluluwa;+ sapagkat ang lahat ng puso ay sinasaliksik ni Jehova,+ at ang bawat hilig ng mga kaisipan ay kaniyang natatalos.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang masumpungan mo siya;+ ngunit kung iiwan mo siya,+ itatakwil ka niya magpakailanman.+

  • 2 Cronica 15:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Dahil dito ay lumabas siya at humarap kay Asa at nagsabi sa kaniya: “Dinggin ninyo ako, O Asa at buong Juda at Benjamin! Si Jehova ay sumasainyo hangga’t kayo ay sumasakaniya;+ at kung hahanapin+ ninyo siya, hahayaan niyang siya ay masumpungan ninyo, ngunit kung iiwan ninyo siya ay iiwan niya kayo.+

  • Jeremias 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Dapat kang ituwid ng iyong kasamaan,+ at dapat kang sawayin ng iyong mga gawa ng kawalang-katapatan.+ Alamin mo nga at tingnan na ang pag-iwan mo kay Jehova na iyong Diyos ay isang bagay na masama at mapait,+ at hindi ito nagbunga sa iyo ng panghihilakbot sa akin,’+ ang sabi ng Soberanong+ Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share