Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Cronica 15:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sinabi ngayon ni David sa mga pinuno ng mga Levita na ilagay ang kanilang mga kapatid na mga mang-aawit+ na may mga panugtog para sa pag-awit,+ mga panugtog na de-kuwerdas+ at mga alpa+ at mga simbalo,+ na tumutugtog nang malakas upang pumukaw ng ingay ng pagsasaya.

  • 1 Cronica 16:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Nang magkagayon ay inilagay niya sa harap ng kaban ni Jehova ang ilan sa mga Levita+ bilang mga lingkod,+ kapuwa upang magpaalaala+ at upang magpasalamat+ at pumuri+ kay Jehova na Diyos ng Israel,

  • 1 Cronica 23:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sa gayon ay binilang ang mga Levita mula sa edad na tatlumpung taon pataas;+ at ang kanilang bilang, bawat ulo sa kanila, bawat matipunong lalaki, ay umabot sa tatlumpu’t walong libo.

  • 1 Cronica 25:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Karagdagan pa, ibinukod ni David at ng mga pinuno+ ng mga pangkat na naglilingkod+ para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak ni Asap, sina Heman+ at Jedutun+ na mga nanghuhula na may mga alpa,+ may mga panugtog na de-kuwerdas+ at may mga simbalo.+ At sa kanilang bilang nanggaling ang mga lalaking nanunungkulan para sa kanilang paglilingkod.

  • 2 Cronica 29:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Samantala, inilagay niya ang mga Levita+ sa bahay ni Jehova, na may mga simbalo,+ may mga panugtog na de-kuwerdas+ at may mga alpa,+ ayon sa utos ni David+ at ni Gad+ na tagapangitain ng hari at ni Natan+ na propeta, sapagkat ang utos ay nagmula sa kamay ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.+

  • Ezra 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Nang ilatag ng mga tagapagtayo ang pundasyon+ ng templo ni Jehova, ang mga saserdote naman na nakasuot ng opisyal na pananamit,+ na may mga trumpeta,+ at ang mga Levita na mga anak ni Asap,+ na may mga simbalo,+ ay tumayo upang purihin si Jehova ayon sa tagubilin+ ni David na hari ng Israel.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share