7 Gayundin, nang mga araw ni Artajerjes, si Bislam, si Mitredat, si Tabeel at ang iba pa niyang mga kasamahan ay sumulat kay Artajerjes na hari ng Persia, at ang sulat ng liham ay nakasulat sa mga titik Aramaiko at isinalin sa wikang Aramaiko.+
23 At pagkatapos na ang kopya ng opisyal na dokumento ni Artajerjes na hari ay mabasa sa harap ni Rehum+ at ni Simsai+ na eskriba at ng kanilang mga kasamahan,+ dali-dali silang pumaroon sa Jerusalem sa mga Judio at pinahinto sila sa pamamagitan ng lakas ng sandata.+
7 At nangyari, nang marinig ni Sanbalat+ at ni Tobia+ at ng mga Arabe+ at ng mga Ammonita+ at ng mga Asdodita+ na ang pagkukumpuni ng mga pader ng Jerusalem ay sumulong na, sapagkat ang mga puwang ay nagsimula nang masarhan, sila ay lubhang nagalit.
11 Bukod diyan, ang aming mga kalaban ay patuloy na nagsabi: “Hindi nila malalaman+ at hindi nila makikita hanggang sa makarating tayo sa gitna nila, at tiyak na papatayin natin sila at patitigilin ang gawain.”